Tinimbang 2 PMAers: Cudia at Purisima
KINATIGAN ng Malacañang ang pagpatalsik sa graduating na kadete ng Philippine Military Academy. Nilabag umano ni Cadet Aldrin Cudia ang PMA honor code laban sa “pagbubulaan, pandaraya, pagnanakaw.”
Kung susuriin, maling salita ang sala ni Cudia, hindi panlilinlang. Na-late siya nang 2 minuto sa klase at, nang pagpaliwanagin, nagsabi na 2 minutong late sila dinismis mula sa naunang klase. Pero nakarating naman ang mga kaklase sa tamang oras. Sa totoo, hinila ng naunang propesor si Cudia sa mabilisang konsultasyon. Sinumpaan ito ng propesor. Sana, para eksakto, sinabi ni Cudia na pinag-stay siya ng propesor nang 2 minuto. Hindi ito inisip ng siyam na kasapi ng PMA disciplinary committee na nag-expel kay Cudia.
Kung sabagay, dapat eksakto sa salita, at lahat ng iba pang gawain, sa pagsusundalo. Tinimbang ngunit kulang si Cudia, sa pamantayan ng Malacañang at PMA.
Kung gan’un, ano ang dapat na pamantayan kay PNP director general Alan Purisima, PMA Class of 1981?
Kamakailan, pina-deliver ni Purisima ang isang milyong taunang gun licenses sa bagitong kumpanya na pag-aari ng mga dating kaklase at superior. Tiba-tiba ang kumpanya: sumingil nang P190 kada delivery sa Metro Manila at P290 sa probinsiya, pero nag-subcontract sa beteranong LBC Courier Service sa flat rate na P90.
Nagpatayo si Purisima ng marangyang official mansion sa Camp Crame, donasyon umano ng mga kaibigan -- na paglabag sa batas. Hindi niya mapigilan ang patayan sa kalye ng mga upahang goons na naka-motorsiklo. Walang paliwanag kung bakit nawala ang 1,000 AK-47 rifles mula sa PNP armory, at napasa-kamay ng mga rebeldeng komunista.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest