^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kulang pa sa paghahanda

Pilipino Star Ngayon

TAUN-TAON, 24 na bagyo ang tumatama sa bansa at karamihan sa mga ito ay mapangwasak at maraming buhay ang nasasayang. Nangyari na naman na kung kailan nandiyan na ang bagyo saka lamang pinupuwersang palikasin o paalisin sa kanilang mga bahay ang mga maaapektuhang pamilya. Naulit na naman na kung kailan naririnig na ang hangin at tumataas na ang tubig saka lamang­ pinaaalis sa kani-kanilang mga bahay ang mga nasa tabing dagat o ilog. Kaya ang resulta, meron na namang nasayang na buhay. Mayroon na namang namatay dahil nalunod o nabagsakan ng mga tumumbang puno.

Ilang araw bago ang paghagupit ng bagyong Glenda, nagbabala na ang PAGASA na malakas ang hanging idudulot ng bagyo kapag tumama sa lupa kaya kailangan ang paghahanda. Ayon sa PAGASA maaaring magkaroon ng storm surges o pagtaas ng alon kaya nararapat na umalis ang mga residenteng nasa tabing-dagat. Pero hindi nangyari ito sapagkat marami pa rin ang ayaw umalis kahit na mayroong mga lider sa lugar na nakikiusap na umalis na sila. Mayroon pang mga residente na na-videohan na ayaw pang umalis sa kanilang bahay sapagkat mahina pa raw naman ang hangin at mahina pa naman ang ulan. Ikinatwiran ng isang residente na noon daw may tumamang bagyo sa kanila ay hindi naman sila umalis. Aalis daw sila kapag delikado na ang sitwasyon.

Ang mga ganitong katwiran ng mamamayan sa panahon ng pananalasa ng bagyo ang nagdudulot sa kanila ng kapahamakan. Ito ang dahilan kaya maraming napapahamak at namamatay. Sa pinaka-huling report ukol sa mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Glenda, mahigit 40 na ang namamatay. Karamihan sa mga namatay ay nabagsakan ng mga lumilipad na bagay sa kasagsagan ng bagyo. Mayroong tinamaan ng lumilipad na yero  at nabagsakan ng punongkahoy.

Meron pa ring namatay kahit na ang sabi ng gobyerno ay walang magiging casualties sapagkat napaghandaan ang pagdating ng bagyo. Hindi raw sila nagkulang sa pagpapaalala sa mamamayan. Likas lamang daw na mayroong matitigas ang ulo kaya ayaw umalis sa kani-kanilang mga bahay. Malaking aral na naman din ito sa gobyerno na puwersahan­ na dapat ang gawin nila sa pagpapa­alis sa mga taong nasa delikadong lugar. Ito ay para masiguro na walang mapapahamak.

 

AALIS

AYON

BAGYO

BAGYONG GLENDA

GLENDA

IKINATWIRAN

MAYROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with