^

PSN Opinyon

‘Palit drayber (?)’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

SA isang maling liko at alanganing pasok… pang limang paa ang tutungkod sa lupa.

“Hindi siya nagulungan pero sa sama ng pagkakabagsak niya sa kalsada lumabas ang buto ng tuhod niya at tumagos sa suot niyang pantalon,” pagsasalarawan ng ina.

Isang linggong halos ‘di makapagsalita at puro raw senyas lang. Ganito umano ang naging sitwasyon ng anak ng ginang na nagsadya sa’min. Siya si Nilda Catap, 57 anyos  ng Caloocan City.

Mag-aapat na buwan na mula ng maputol ang kaliwang paa ni Edwindino Catap Jr. o “JR” subalit hindi pa naghihilom ang lalim ng sugat na kanyang sinapit… isang gabi sa kahabaan ng Quirino Highway, Quezon City.

Bunso sa limang magkakapatid ang 21 anyos na si JR. Taong 2011, nagsama sila ng dating karelasyong si Mary Ann Orbita,  20 anyos.

Iba’t-ibang uri ng trabaho na ang pinasok ni JR. Mula sa pagiging electrician, mangugupit sa ‘hair salon’ at nitong huli, buwan ng Enero taong kasalukuyang naglabas naman siya ng dyip. Byaheng Proj.  8-Kalaw.

“Dati kasama namin si JR sa bahay pero simula ng magkaanak siya bumukod na sila…” kwento ng ina.

Lulan ng kanyang bagong kuhang ‘single motor’ pumupunta si JR sa Proj. 8 para kunin ang dyip na pinapasada. Bandang 10:00 ng gabi siya gumagarahe.

Ika- 10 ng Marso 2014, alas dose pasado… ginising na lang si Nilda ng kanyang anak na si Adrian. “Mama…  si JR baka putulan ng paa!” ani ng anak.

Dumiretso ang mag-ina sa East Avenue Medical Center.  Sa emergency room na naabutan ni Nilda si JR. Nakabalot na ang paa nito subalit kapansin-pansing lihis ang kaliwang buto. “Ma… binangga ako,” pabulong na sabi ni JR.

Sa tindi ng pinsala ng paa ni JR, sinabihan siya ng doktor na kailangang putulin ang kaliwang paa nito… mula tuhod.

Wala mang kapera-pera mabilis na sumailalim sa pagputol ng paa (amputation) ang anak. Anim na oras din ang tinagal ng operasyon nito.

Isang linggong nanatili sa ‘recovery room’ si JR. Isang linggo raw siyang ‘di makapagsalita at puro senyas lang dahilan para ang ama nitong si Edwindino ang nagsampa ng kasong ‘Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries and Damage to Property’ laban sa drayber na umano’y bumangga kay JR. Si Ryan Hinay, 20 anyos.

Kwento umano ng anak ni Nilda, pauwi na siya lulan ng kanyang motor… tumatakbo siya kasabay ng isang Nissan Pick-up, 2011 model may plakang PQR 361 nakarehistro kay Mitoschelo Jude Tiu ng bigla umano itong kumaliwa papuntang Greenfield Subd. Nasapul umano ang motor. Sa lakas ng tama, tumilapon si JR at bumulagta sa lupa, ayon kay Nilda.

Lumusot ang buto ng tuhod ni JR at tumagos sa pantalon nito. Patid ang litid ng kayang paa kaya’t kinailangang lagariin.

“Habang nasa ospital, inalok kami ng Php5,000 ng nakadali sa anak ko. Hindi namin tinanggap. Nawalan ng paa anak ko…” wika ng ina.

Nagkaroon ng pagdinig ang kasong sinampa ni Nilda sa Prosecutor’s Office, Quezon City laban sa drayber ng pick-up.

Nagsampa rin ng kaso si Francis Tui, representante at binigyan ng Special Power of Attorney ng may-ari ng sasakyan laban kay JR. Kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property naman.

Tumestigo pa raw sa kaso si Emilio Tan, 41 anyos. Base sa salasay nito, nasabing oras at petsa habang binabaybay niya ang kahabaan ng Quirino Highway, papuntang SM Fairview, tapat ng Greenfield, bigla raw nag-‘overtake’ sa kanya ang motor na minamaneho ni JR. Ito’y bumangga sa ‘pick up’ na kasalukuyang kakaliwa na papasok sa Greenfield.

“Ang nasabing motor ay kumain pa ng lane sa opposite (kabilang kalsada) ng nag-overtake sa akin,” –laman pa ng salaysay.

Tinanggi naman ito ni JR, sa pinasa niyang kontra-salaysay sinabi niyang kinagulat na lang umano niya ang pagbangga ng Nissan pick-up sa likurang bahagi ng kanyang motor.

Ika-13 ng Mayo 2014, naglabas ng ‘resolution’ si Asst. City Prosec. Alexis Bartolome para sa kasong sinampa nila JR. Hindi nakitaan ng ‘probable cause’ ng tagausig ang kaso. DISMISSED ito dahil sa mga sumusunod na puntos:

Si JR daw itong nag-overtake sa sasakyan at kung hinayaan lang niyang makaliko, pakaliwa itong Pick-up hindi na mangyayari ang insidente.

Base rin sa ‘sketch’ na pinasa nila JR, lumalabas na si JR ang bumangga dito sa akusado. Maliban pa rito, sa hindi pagsumite ng sinum­paang salaysay nitong si JR kaya’t lumalabas na batay lang sa ‘hearsay’ ang pagsampa ng kaso.

Sa mga dokumentong bitbit nitong si Nilda. Sa Traffic Accident Investigation Report na sinagawa ng Quezon City District Traffic Enforcement

Unit, Traffic Sector 2, pirmado ni PO3 Ra Bindranath L. Sierra lumalabas din na itong si JR ang nag-‘overtake’.

Sa ngayon nagsampa na sila ng Omnibus Motion para resolusyon ng kaso at hinihintay na lang niya ang resulta ng kanilang apela.

Gustong malaman ni Nilda ang ligal na hakbang maari pa nilang gawin dahilan para magpunta siya sa aming tanggapan.

Dagdag pa ni Nilda, ang drayber na sumisipot sa kanilang pagdinig ay iba umano sa nakita ng anak na nagmamaneho ng pick-up nung gabing iyon.

“Paano po bang gagawin namin? Kung anak ko mismo nagsabing hindi siya ang drayber?” katanungan ni Nilda.

Itinampok namin si Nilda sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ. (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang kanilang ginawa ay nagsumite sila ng Omnibus Motion sa tanggapan ng Prosecutor’s Office, Quezon City kung saan hinihiling nila na tanggapin ang Sinumpaang Salaysay na ‘di nabigay ni JR na may kalakip na dokumento na kaya siya nakapagbigay nito ay dahil siya’y kasalukyang nasa East Avenue Medical Center dahil siya’y nagpapagamot sa mga grabeng sugat at pagputol ng isa niyang paa.  Hiniling din nila na irekonsidera (Motion for Reconsideration) ang resolusyon ng prosecutor na kanilang natanggap nung June 17, 2014.

Kung meron silang duda na hindi yun ang drayber na nakahagip kay JR ihayag nila sa korte ang puntong ito. Hilingin na humarap ang may-ari ng sasakyan para positibo niyang sabihin kung sino ang drayber niya o baka yung may-ari ang nagmamaneho at ito ay kaso ng palit drayber para makaligtas sa anumang pananagutan, kriminal man o sibil? (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento

ANAK

BRVBAR

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ISANG

NILDA

PAA

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with