Si P. Noy at ang DAP
KUNG ang madlang dehadista ang tatanungin sa ‘popularity’ ni P. Noy sa ngayon lagapak ito para sa kanila pero sa mga sipsip este mali sa mga liamadista pala na kasangga nito walang masama sa ginagawa ng kanilang panggulo este pangulo pala.
Ika nga, sinisiraan lamang ito ng mga kalaban sa politics?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking batok este mali dagok pala sa mga supporter at kaalyado ni P. Noy ang sinabi ng Supreme Court tungkol sa usapin Disbursement Accelaration Fund.
Sabi ng mga urot at kalaban sa politics ang salapi sa DAP ay ginamit at diumano’y pinangsulsol este mali suhol pala para masipa si dating Chief Justice Renato Corona sa kanyang trono.
‘Kaya tuloy sa survey rating na ginawa para kay P. Noy noon last week ng March umalagwa ang kanyang satisfaction rating sa madlang people kaya naman sangkaterba ang napanganga sa pangyayari.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
“magkaroon kaya ng epekto ang susunod na survey kay P. Noy?’ tanong ng kuwagong mangmang.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana sabay-sabay ng gawin ang survey sa madlang people na kasama sa Class A,B,C,D at E para lalong magkaalaman na kung windang talaga?
‘Hindi birong mga kaalyado ni P. Noy ang sira ngayon sa madlang public lalo’t sinusulsulan pa ng mga kritiko ng Malacanang?’
‘Sayang at masiado ng late inumpisahan ni P. Noy ang kanyang speech sa madlang people kahapon dahil maaga ang deadline ng Chief Kuwago.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas marami ang naniniwala sa Constitution dahil ang sinasabi o nababasa rito ang pinakamataas na batas sa Philippines my Philippines at ang hindi sumasangayon todits ay may malaking problema sa utak?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag nagsalita ang madlang people at naubos ang pasensiya nito tiyak may mangyayaring hindi maganda?
‘Basta ang sabi ni P. Noy legal ang ginawa nilang aksyon regarding sa DAP dahil ang salapi dito ay napakinabangan ng madlang people.’
Abangan.
Paihi sa Bataan patuloy
HINDI biro ang paihi o pagnanakaw ng gasolina at diesel fuel dyan sa ilang bayan sa Bataan dahil mas gustong-gusto itong bilhin ng madlang masa sa nasabing lugar porke mas mura itong ibinebenta sa kanila.
Kaya paihi ang tawag sa teminong ito dahil kinakabitan ito ng hose at mistulang ihi ito kung lumabas sa tangke ng pinagnanakawan.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga sangkot sa paihi ay sina alyas Jun ‘aniduro’ Velasco, ang promotor at tirador ng paihi sa Barangay Alangan Limay Bataan, sina Aquino, Malene at Norma ang birador sa Barangay Puting Buhangin Orion, Bataan, isang alyas ‘gago’ Violago, Bogs ang kumakamada sa Barangay Toyo dyan din sa Limay Bataan at isang alyas Mike ‘berdugo’ ang kumukuha ng pera sa mga ito.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’
Abangan.
- Latest