^

PSN Opinyon

Kotong

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

EWAN ko kung magkano ang lagay ng mga UV Express at tricycle drivers sa MMDA traffic enforcers sa kanto ng NAIA Road (dating MIA) at Roxas Boulevard, Tambo, Parañaque City? Walang ginawa ang mga tauhan ni MMDA chairman FrancisTolentino kundi mag-abang ng mga pribadong sasakyan na nagsu-swerved sa NAIA pa-kanan ng Roxas Blvd. at hindi pansin ang mga tricycle sa intersection. Kung sabagay barya lamang ang inaabot ng mga tricycle driver sa traffic enforcers suba­lit malaki rin ito sa maghapon na sinasawsawan din ng mga barangay tagay este barangay official ng Tambo.

Hinanakit ng mga drayber ng mga pribadong sasakyan na napipilitang mag-swerved dahil sa trapik ay dahil sa talas mangikil ng mga tauhan ni Tolentino, kitang-kita na halos hindi na umuusad ang sasakyan dahil sa pagbara ng mga bus at jeepney na pumipila sa pagpick-up ng pasahero sa kanto ng Roxas Blvd. Idagdag pa na ginawang terminal ng mga UV Express at jeepney ang kanto ng NAIA Road. Walang takot sa mga enforcer dahil may ibinibigay sa barkers. Ang resulta maraming turista at pasahero ng airlines ang nali-late sa kanilang flight. Chairman Tolentino pakibusisi ang reklamo sa traffic enforcers mo.

Kung patuloy ang pagbubulag-bulagan ng iyong mga tauhan sa mga drayber ng tricycle at UV Express sa NAIA at Roxas Blvd., mamumuo sa isipan ng mga motorista na nakikinabang ka sa kotong ng iyong mga tauhan.  Samantala, bulag at bingi si Mayor Olivarez sa paglipana ng mga tricycle sa Quirino Avenue. Kung susundin ang batas ba-wal ang mga tricycle sa pagpasada sa mga pangunahing kalye ng lungsod ngunit sa kanyang kaharian ay puwede. Ang Quirino Avenue ay kabilang sa national highway kaya bawal ang mga tricycle dito. Ngunit hindi naglilibot si Olivarez kaya wala siyang alam sa panganib na dulot ng mga tricycle sa kanyang constituents.

Para sa kaalaman mo Mayor Olivarez ang kanto ng Quirino at NAIA Road ay ginagawang pilahan ng mga tricycle kaya buhol-buhol ang trapiko. Walang nagbabawal sa kanila kaya nagka-counter flow kahit saan nila gusto sa Quirino Ave. Namatay na ang mga jeepney na may rutang Sucat-Baclaran at Zapote-Baclaran dahil inaagawan ng mga tricycle, kaya karamihan sa mga jeepney ay nagka-cutting trip na lamang pagdating ng La Huerta. Ang gawin mo Mayor Olivarez, lumabas ka ng kalye nang makita ang pambubrusko ng mga tricycle drayber sa Quirino Avenue mula Kabihasnan hanggang Baclaran. Abangan!

ANG QUIRINO AVENUE

CHAIRMAN TOLENTINO

LA HUERTA

MAYOR OLIVAREZ

QUIRINO AVE

QUIRINO AVENUE

ROXAS BLVD

TRICYCLE

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with