^

PSN Opinyon

Panalo o talo?

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

HINDI na bago ang mga pahayag ng mga awtoridad na nanalo na ang Armed Forces of the Philippines sa kalabang New People’s Army (NPA). Paulit-ulit na lang na naririnig natin sa mga opisyales ng AFP na humihina na ang puwersa ng mga leftist guerrillas sa bansa.

Ito ay sa kabila ng patuloy na kaliwa’t kanan na pag-atake ng mga rebeldeng NPA sa mga military detachments at sa mga police stations sa kanayunan.

 Nitong nagdaang Huwebes nga lang eh, ilan din ang namatay at apat pa na pulis ang tinangay ng mga rebelde nang sinalakay nila ang municipal police station sa Alegria, Surigao del Norte.

Dalawang sundalo rin ang namatay noong isang araw  nang tinambangan sila ng mga rebeldeng NPA habang nakipiyesta sa isang barangay sa Mabini, Compostela Valley.

Dalawang miyembro naman ng Special Action Force ng Philippine National Police ang nakitang patay kahapon pagkatapos ng sila ay napabalitang missing noong Martes nang nagkaroon ng sagupaan sa paanan ng Mt. Talomo sa Barangay Catigan at Baracatan dito sa Davao City. Anim na SAF pulis at isang sundalo ang sugatan sa nasabing engkwentro.

At hindi rin maitago na bukod sa mas maraming sundalo o pulis ang namamatay o nasusugatan sa tuwing may engkwentro sa pagitan ng military at mga rebeldeng NPA.

Para na ngang donor na lang ang PNP at AFP ng armas gaya ng AK-47 sa mga rebeldeng NPA dahil sa parating nara-ransack ang mga armory nila.

Iniimbestigahan pa nga ngayon kung paano nakara­ting sa mga kamay ng NPA ang libo-libong AK-47 rifles ng PNP.

 Kaya nga kahit na ilang ulit pang ipagmayabang ng ating AFP officials na nanalo ang pamahalaan sa armed struggle--- kabaligtaran naman ang nangyayari.

 Sana baguhin na ng AFP at maging ng PNP ang batayan nito kung nanalo o natatalo ba sila ng mga rebeldeng NPA.

 Naging batayan lang kasi ng AFP ay body at weapon counts na kung saan binibilang nila kung ilan ang patay sa hanay ng AFP at sa hanay ng NPA.

 At binibilang lang din nila kung ilang rifles ang nakukuha nila at ang nawawala sa mga rebeldeng NPA.

 Kasi kung patuloy na hanggang bilangan o body at weapon count lang ang naging basehan ng performance ng AFP units, walang patutunguhan ang lahat ng ito.

 Kailangan nang ibahin ang istratehiya ng ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas kundi pupulutin ito sa daan bilang Sandatahang Kahinaan ng Pilipinas

AFP

BARANGAY CATIGAN

COMPOSTELA VALLEY

DALAWANG

DAVAO CITY

MT. TALOMO

NPA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with