Maraming problema
Maraming problema ang ating gobyerno
kaya itong bansa ay waring magulo;
ang unang problema’y tindera’t tindero
ang paninda nila’y nagtaas ng presyo!
Pangalwang problema’y nasa pamahalaan
hindi inaalis mga tampalasan;
maraming nilustay na pera ng bayan
kaya patuloy pang sila’y nangangamkam!
Pangatlong problema tayo’y tinatakot
ng bansang malaking ang gusto’y manakop;
sa dami ng tao’t lupaing mabundok
karagatan natin ay gustong makubkob!
Isa pang problema’y mga taong labas
NPA at Abu ngayo’y lumalakas;
mga kawal nating mahina ang armas
sila’y talung-talo daming nauutas!
Sa loob ng bansa ay nagkalat ngayon
mga mamamayang masama ang misyon;
sila’y magnanakaw saka mga hoodlum
sila’y pumapatay dahil nagugutom?
Matinding problema ay ang mahihirap
dahil ang gobyerno ay kulang sa lingap?
Ang tahanan nila’y ginigiba agad --
walang relokasyon kung saan lilipat?
Ang bagyo at baha ay problema pa rin
drainage at estero’y bihirang linisin;
mga negosyante at mga students
stranded sa kalye’t nagiging sakitin!
Kaya ang gobyerno kung hindi kikilos
itong ating bansa tuloy sa paglubog
mga lider natin ang dapat tumubos
sa mga problemang sa bansa ay salot!
Kung hindi’y paanong babalik sa bansa
ang dating ligayang tila nawawala?
Mga leaders natin kung magpapabaya
tayong mga Pinoy magiging kawawa!
- Latest