^

PSN Opinyon

Pork barrel ng local govts tanggalin din

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PATI mga local government officials, may pork barrels din.

Ginaya ng mga provincial board members at city councilors ang maling pamumudmod ng mga senador at congressmen sa sarili ng lump sums para sa kunwari ay development projects. Pero tulad ng nabunyag na congressional pork barrel scam, binubulsa lang ng board members at councilors ang lump sums na idinaan sa mga pekeng proyekto at NGOs.

Ginaya rin ng provincial governors at city mayors ang maling paglilipat-lipat ng Presidente ng aprobadong budgets tungo sa mga sariling kathang proyekto. Kinopya rin nila ang pagkakaroon ng Presidente at piling Cabinet members ng unaudited intelligence funds, na ibinubulsa lang.

 Ngayong dineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang congressional at presidential pork barrels, dapat lang isunod ang sa governors at board members, mayors at councilors. Kung ilegal ang “pork” sa pambansa, ilegal din ito sa “panlokal.” Kailangan pa ba idulog sa Korte Suprema ang kaso nila, bago sila matuto?

Samantala, repormahin din nang husto ang mga munisipalidad. Dahil nakaasa lang sila sa Internal Revenue Allotment (IRA) mula sa pambansang gobyerno, wala silang pork barrels na tulad ng kapitolyo o city hall. Pero meron silang ibang raket. Kinikikilan nila ang mga negos-yante sa kani-kanilang pook. Dapat isakdal ang mga tiwali.

Sana maging ganap ang repormang pampulitika. Alisin ang pork barrels at katiwalian sa pambansa at lokal na pamahalaan. Buwagin ang political dynasties. Linisin ang mga halalan. Kapag mangyari ang tatlong ito, papasok sa pulitika ang mga tunay na nais maglingkod sa bayan. Uunlad na sa wakas ang Pilipinas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

ALISIN

BUWAGIN

DAHIL

DAPAT

GINAYA

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

KAILANGAN

KORTE SUPREMA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with