^

PSN Opinyon

Joel Villanueva nagsalita na

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA gitna ng mga espekulasyon na masasali si TESDA Director-General Joel Villanueva  sa third batch ng mga kakasuhan kaugnay ng pork barrel scam nagbigay na siya ng personal niyang pahayag.

Nauna na nating naisulat sa kolum na ito na sa may 21 dokumentong nagdadawit sa kanya sa pork scam, napatunayan sa forensic examination ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi lang iisang tao ang gumaya sa lagda ni Joel. Ibig sabihin, pulos peke.

Noon ko pa hinihimok si Joel na maglabas ng personal na pahayag pero sabi niya, mas makabubuti na magsalita na lamang siya kapag siya’y tinuluyang kasuhan. Pero may mga pagkakataong kahit ayaw magsalita ng isang tao ay napipilitan din.

Of course, kung nababanatan ka sa mga pahayagan o sa radyo at telebisyon, marapat lang at makatarungan ng ihayag mo ang iyong panig. Kung minsan kasi, ang pagwawalang kibo ay naipagkakamaling pag-amin ng kasalanan.

Mariing inihayag ni Joel na walang nagamit na pondo ang ahensiya  niya na nagmula sa Disbursement Accele­ra­tion Program (DAP) para sa scholarship program ng ahensiya.

Ayon sa kanya, wala silang natatanggap na anumang notice of disallowance o notice of suspension mula sa Commission on Audit (COA). Nilinaw din ni Villanueva na ang P38 milyon mula sa DAP ay ibinalik sa national treasury at hindi ginamit ng kanyang ahensya.

Kung tutuusin, marami ang sumasaludo sa magandang accomplishment ng TESDA sa ilalim ng pamamahala ni Joel.

Nakikinabang sa ahensya ang maraming out of school youths na natuto ng mga sari-saring kakayahan upang sila’y makapag­trabaho sa ibang bansa.

Tinataya sa 210,000 ang naging TESDA scholars na karamihan ay matagumpay nang nakapagtrabaho sa abroad.

Kaya naniniwala ako na ang mga ibinabatong akusasyon kay Joel, tulad ng pagkakaroon ng mga “ghost scholars” na tinus­tusan ng salapi ng bayan ay pulos paninira lang.

Ganyan talaga. Sabi nga kapag mabunga ang punongkahoy ay binabato.

Iginiit ni Sec. Villanueva na walang katotohanan na nagkaroon ng ‘ghost trainees’ ang TESDA na pinondohan mula sa DAP.

 

AYON

DISBURSEMENT ACCELE

GANYAN

GENERAL JOEL VILLANUEVA

IBIG

IGINIIT

JOEL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with