^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Talakayin sa SONA ang DAP

Pilipino Star Ngayon

SA Hulyo 28 ay ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni President Noynoy Aquino. At ito na marahil ang pinaka-makabuluhan niyang SONA sapagkat marami siyang irereport sa mamamayan. Sa mga nakaraan niyang SONA ay walang gaanong sustansiya ang kanyang mga tinalakay sapagkat binigyan siya ng maling figures na malayo naman sa katotohanan. Halimbawa ay ang report ng Department of Agriculture na hindi na raw aangkat ng bigas at mag-e-export pa raw. Mala­king kasinungalingan ito sapagkat hindi lamang nag-angkat ng bigas ang bansa kundi nagmahal pa ang kilo kaya maraming mahihirap ngayon ang umiiyak.

Sana ngayong ikaapat na SONA, maging totoo na. Dapat ang pagbuhusan muna ng pansin ng Presidente ay itong Disbursement Acceleration Program (DAP) na masyado nang lumiligalig sa lipunan. Ano ba itong hayop na DAP at mas matindi pa yata sa PDAF. Ipaliwanag niya ito sa SONA para ganap na malinawan ang sambayanan.

Ang Supreme Court na ang nagsabi na illegal ang DAP. Kung illegal bakit nagawa ng kasaluku-yang gobyerno na gamitin ang pondo na umaabot sa P250 billion. Abogado naman ang arkitekto ng DAP si Budget Sec. Florencio Abad kaya dapat alam niya ito. Alam niya na hindi tama na gamitin ang pondo o ang savings ng ibang departamento patungo sa iba pang sangay ng pamahalaan. At dapat may pahintulot ng National Treasury ang paggamit ng pondo ng DAP.

Umano’y ang mga dating presidente na sina Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi ginamit ang DAP. Maski ang namayapang ina ni P-Noy na si dating President Corazon Aquino ay hindi rin ginamit ang DAP.

Sabi ng Malacañang “in good faith” naman daw ang kinahantungan ng pondo. Sabi pa, ginamit ang DAP para mapalago ang ekonomiya ng bansa. Kung ginamit sa pagpapalago ng ekonomiya bakit hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihikahos at pati bigas at bawang ay kailangang tumaas?

Ipaliwanag ng Presidente ang DAP sa kanyang SONA para matahimik ang kalooban ng samba-yanan. Kung hindi, walang maniniwala sa tinatahak daw na “tuwid na daan”.

 

vuukle comment

ANG SUPREME COURT

BUDGET SEC

DAP

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FIDEL RAMOS

FLORENCIO ABAD

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IPALIWANAG

JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with