Jacqui Magno balik sa limelight!
PASS muna ako sa mga nakakairitang political developments ngayon para mahimasmasan naman tayo nang kaunti. Medyo may pagka-showbiz tayo ngayon, hehehe.
Sino ang hindi makakakilala sa Pinay “jazz nightingale” na si Jacqui Magno na sumikat sa huling bahagi ng dekada 70 at namayagpag hanggang sa dekada 90? Alam kong dagsa pa ang mga fans ni Jacqui at tiyak na matutuwa kayo dahil magsasagawa siya ng kanyang birthday concert sa July 26, Sabado sa ganap na alas-otso ng gabi. Moonlight Love Songs ang titulo ng concert.
Kabilang ang Philippine Star sa mga media partners ng mahalagang event na ito na gaganapin sa Palacio de Maynila sa nabanggit nating petsa. Kaya kung naiirita na kayo sa mga balita tungkol sa mga katiwalian sa gobyerno, time to unwind. Para sa akin llistening to find music, especially live performances is a best way to escape the harsh realities of life. Hehehe.
Si Anna Ylagan ang manager at producer ni Jacqui at nais ko siyang pasalamatan dahil pinahintulutan niya akong i-play sa aking Sunday radio program na Sunday Lounge sa DWBR ang carrier song ni Jacqui sa kanyang bagong release na album na Minamahal, Sinasamba, isang lumang kundiman na nilikha ng institusyong kompositor na si Tito Arevalo na lolo ni Anna. Ala-una hanggang 2:00 ng hapon naririnig ang Sunday Lounge. Libangan ko lang at walang bayad liban sa kasiyahang nadarama ko kapag nagpapatugtog ng mga lumang awitin.
Napakaganda ng version ni Jacqui sa awiting Minamahal Sinasamba at hindi ako nagsasawang ulit-ulitin yung video na ipinost sa aking Facebook account ni Anna. Kaya nga nagpasya akong patugtugin ito sa aking programa tuwing Linggo.
Magba-back-up kay Jacqui ang A.M.P big band orchestra sa pangunguna ng musical director na si Mel Villena. Para sa reservation tumawag na lang sa 524-7606, 527-3239, o kaya sa Ticketnet Online sa telepono 891-9999 o bisitahin ang www.ticketnet.com.ph.
- Latest