^

PSN Opinyon

Sana hindi puro salita lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY CCTV ng One Archers Place na inilabas kung saan kita ang isang kinakaladkad na tao. Nalaman na isa ito sa apat na dumaan sa hazing, na namatay dahil sa kanyang mga pinsala. Kitang-kita ang mga mukha ng mga miyembro umano ng Tau Gamma Phi, isa naka-cell phone pa. Siguro tumatawag na sa kanyang mga brod na may problema na. Namatay si Guillo Cesar Servando sa naganap na hazing, at tatlo pa sa kanyang kasabay ang nasa ospital dahil na rin sa mga pinsalang dulot ng matinding pagbubugbog.

Walang-kawala ang mga nakita sa CCTV, kaya dapat bilisan naman ng PNP ang paghuli sa kanila at baka tumatakas na ang mga duwag na Tau Gamma Phi na iyan. Nagsalita na rin sa wakas ang pamilya ng biktima, at sumisigaw ng hustisya. Dapat lang! Nagpahayag na rin ang Palasyo na hulihin ang mga nasa likod ng hazing. Nagsalita na rin ang College of Saint Benilde.

Sa madaling salita, bumuhos ang matinding galit mula sa maraming sektor, pati na rin ng ilang mambabatas sa pinaka bagong insidente ng hazing sa bansa. Mabuti naman, at kailangan nang matigil ang kalokohang ito, kahit ano pa ang sabihin ng sinomang miyembro ng fraternity diyan. Ang anumang grupo na pumapatay ng tao ay kailangang ideklarang kriminal, kahit ano pa ang dahilan. Hindi kapatiran ang fraternity kundi pagkakataon lamang para maka-“power trip” sa ibang tao.

Pero sana naman ay hindi puro salita lang. Sana ay makipag-ugnayan din nang husto ang mga kapamilya ng mga biktima. Sa mga nakaraang insidente ng hazing kung saan may namatay rin, may nakikipag-areglo na lang. Sa tingin ko ay mali iyon, dahil kriminal nga ang hazing na hindi nga pwedeng piyansahan. Pinatay ang kapamilya mo, hindi ba dapat may makulong? Kailangan may maparusahan, may makulong.

Nabalitaan ko na sinubukan pang linlangin ng mga biktima mismo ang mga imbistigador, sa pagbigay ng ibang pangalan ng fraternity mula sa ibang kolehiyo. Mas lalong hindi ko naman maintindihan iyan. Bakit pa tutulungan ang mga muntik nang pumatay sa iyo? Kaya dapat huwag nang hintayin ang mga pamilya na kumilos, at ang gobyerno na mismo ang magsampa ng kaso sa mga salarin. Kailangan masampolan na ang mga fraternity na ito ng kalupitan ng batas at tila walang katakot-takot, dahil na rin siguro sa kanilang mga alumni na padrino. Hindi na pwedeng payagan ang kulturang ito ng hazing para lang makapasok sa isang grupo.

BAKIT

COLLEGE OF SAINT BENILDE

GUILLO CESAR SERVANDO

HAZING

KAILANGAN

NAGSALITA

ONE ARCHERS PLACE

RIN

TAU GAMMA PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with