Kapalpakan nina Deles at Lopez
ANG peace agreement sa pagitan ng MILF at gobyerno ng Pilipinas ay hilaw dahil hindi sinikap ni Peace Adviser Teresita Deles na isama ang MNLF sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB). Malamang absent si Deles sa klase noong itinuturo ng English teacher niya ang meaning ng “comprehensive”. Ang ibig sabihin nito sa Filipino ay “pangkalahatan”.
Paano magiging pangkalahatan ang CAB kung hindi kasama ang MNLF na may malakas na connection sa Middle East na nahihingan nito ng pondo para sa rebellion sa Mindanao?
Noong panahon ni FVR, nagkaroon siya ng peace agreement sa MNLF pero hindi naman isinama ang MILF kaya nagpatuloy ang gulo. Mukhang hindi lamang sa English lesson nagkulang si Deles, kundi pati na rin sa lesson of recent history of the Muslim rebellion.
Si Danilo Lopez naman ay Director ng Ombudsman na head prosecutor sa plunder cases nina Senators Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Johnny Enrile. Mali ang isinampa ni Lopez sa Sandiganbayan at ibig sanang i-ammend ni Lopez ang pagkakamali niya at palabasin na sa halip na si Janet Napoles ang pinaka-may utak ng krimen ng pork barrel plunder, ang totoo ay si Bong Revilla.
Nadismaya ang Justices ng Sandiganbayan at nagbanta na kapag ipinilit ni Lopez ang amendment, pakakawalan nila si Bong sa detention cell dahil mawawala ang basehan ng kanyang pagka-detain.
Ang payo ko kay Deles at Lopez, uminom kayo ng Gotu Kola. Bitamina ‘yan para sa utak.
* * *
Makinig sa programang THE OFW SHOW, Lunes hanggang Biyernes, 1:00 to 2:00 ng hapon sa DWBL 1242 kilohertz AM hosted by Hannah Seneres Francisco and Marvin Javier – three time KBP Awardees. With special guest Amba Roy V Seneres.
- Latest