^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala pa ring solusyon sa problemang baha!

Pilipino Star Ngayon

KAHAPON, saglit lang umulan sa Quezon City pero nagdulot na agad ng pagbaha sa ilang mababang lugar. Ang pagbaha ay nagdulot ng trapik sa bahagi ng Commonwealth Avenue at Quirino Highway. Walang bagyo ayon sa PAGASA at ang nararanasang pag-ulan sa dakong hapon o gabi ay dulot lamang ng habagat.

Noong nakaraang linggo, umulan din sa loob nang maikling oras at maraming kalsada rin sa Metro Manila ang nagmistulang dagat. Maraming na-istranded na pasahero. Walang makabiyahe sapagkat hanggang baywang ang baha lalo na Buendia Ave., Makati City. Sa EDSA-Shaw Blvd. underpass ay bumaha rin. Ang Pasong Tamo Ext. sa Makati City ay hindi naman madaanan. Nagkaroon din ng pagbaha sa Taft Avenue, Manila at sa A. Bonifacio cor. Retiro St. sa Quezon City.

Naranasan mismo ni President Noynoy Aquino ang mabigat na trapik sapagkat naatrasado ang pagdating niya sa isang pagtitipon sa isang hotel sa Makati kung saan ay panauhing pandangal siya.

Wala pang 30 minutos ang pag-ulan kahapon     sa QC pero grabe na ang idinulot na pagbaha. Paano pa kung bagyo na ang nanalasa? Baka maulit ang “Ondoy” na lumubog ang Metro Manila.

Barado ang mga daluyan ng tubig kaya may pagbaha. Kung malinis ang mga drainage, tiyak na tuluy-tuloy ang tubig at hindi aapaw sa kalsada. Tiyak na maraming plastic bags, pakete ng noodles, sachet ng shampoo, styro, at kung anu-ano pang basurang hindi nabubulok ang nakabara sa mga kanal at drainage. Itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan. Sabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH), naisagawa na nila ang paglilinis sa mga daluyan ng tubig. Hindi raw tumitigil ang flood control team sa paglilinis ng mga drainage. Pero sa nang­yaring pagbaha kahit mahina lang ang ulan, maaaring kulang pa ang kanilang aksiyon. Hindi kaya ang dahilan ng pagbaha ay dahil maraming ginagawang paghuhukay sa mga kalsada? Kung bakit kasi kung kailan tag-ulan saka naghuhukay!

ANG PASONG TAMO EXT

BUENDIA AVE

COMMONWEALTH AVENUE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAKATI CITY

METRO MANILA

PAGBAHA

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with