^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May pinatay na namang ‘kapatid’

Pilipino Star Ngayon

HINDI pa nalilimutan at hindi pa rin nalulutas ang pagkamatay nina San Beda law students Marc Andrei Marcos, 21, at Marvin Reglos, 25, noong 2012 dahil sa fraternity hazing, mayroon na namang sumunod sa kanila. Ang biktima naman ngayon ay si Guillo Cesar Servando, 18, estudyante ng De La Salle-College of St. Benilde. Namatay siya noong Sabado ng gabi matapos sumailalim sa initiation rites o hazing. Ayon sa report, grabeng pagkabugbog ang dahilan nang pagkamatay ni Servando. Hinahanap na ang mga salarin sa pagkamatay ng estudyante.

Sino pa ang susunod? Maaaring marami pa sa­pagkat walang natatakot sa Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing Law. Sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasailalim sa hazing ng miyembro ng fraternities, sororities at iba pang organisasyon. May katapat na kaparusahan ang lalabag sa batas na ito:

Habambuhay na pagkabilanggo (reclusion perpetua) kapag nagresulta sa pagkamatay, panggagahasa, sodomy or mutilation;

Labimpitong taon, 4 na buwan, 1 araw hanggang 20 taong pagkabilanggo kapag ang biktima ay nasiraan ng ulo, naging inutil o nabulag;

Labing-apat na taon, 8 buwan at 1 araw hanggang 17 buwan at apat na buwang pagkakabilanggo kapag ang biktima ay nawalan ng boses, pandinig, pang-amoy, pagkabulag, pagkaputol ng kamay, paa, braso, dahilan para hindi na makapagtrabaho;

Labindalawang taon at 1 araw hanggang 14 na taon at 8 buwan na pagkakabilanggo kapag na-deformed o nawala ang alinmang bahagi ng katawan ng biktima dahilan para hindi na niya magampanan ang kanyang mga tungkulin;

Sampung taon at 1 araw hanggang 12 taong pagkakabilanggo kapag ang biktima ay nagkasakit at hindi na magampanan ang kanyang trabaho.

Pero sa kabila na may mga kaparusahan, wala ni isa mang miyembro ng fraternity ang nakulong. Nagsilbing dekorasyon na lamang ang R.A. 8049. Patuloy pa rin ang pagre-recruit at marami pa ring sumasali kahit marami nang namatay sa hazing. Kailan aalisin ang madugong initiation rites sa mga “kapatid”?

ANTI-HAZING LAW

AYON

DE LA SALLE-COLLEGE OF ST. BENILDE

GUILLO CESAR SERVANDO

HABAMBUHAY

MARC ANDREI MARCOS

MARVIN REGLOS

REPUBLIC ACT NO

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with