^

PSN Opinyon

Wala ang mga hari ng kontraktuwalisasyon

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

BAWAT taon, mayroong listahan ang Forbes magazine ng world’s richest at kasama lagi ang mga hari ng kontraktuwalisasyon ng bansa na sina Henry Sy, John Gokongwei, Zobel de Ayala  at Lucio Tan. Kamakailan lamang nagpalabas naman ang Forbes ng listahan ng “notable philanthropists” from the Asia Pacific at kapansin-pansin na wala ang mga hari ng kontraktuwalisasyon.

Sa halip lumabas ang pangalan nina Ricky Razon ng ICTSI, Ricardo Po Sr. ng Century Tuna, Jose Mari Albert ng Isport Life at Angelo King ng Angelo King Foundation. Ani Forbes, pinili lamang nito ang “true philanthropists” or “people who are giving their own money not their company’s because donating shareholders funds isn’t exactly charity”.

Samakatuwid, ang apat na hari ng kontraktuwalisasyon ay hindi true philanthropists. Kung anuman ang pinalalabas nilang mga ‘‘praise release” ng kanilang mga kawanggawa kuno, pawang kaplastikan. At obvious naman na huwad na mga philanthropist ang apat.

May kasabihan na “charity begins at home”. Ang tinutukoy kong “home” ay ang mga sariling negosyo ng apat na hari kung saan milyong manggagawa ay nakagapos sa kontrata na nagbibigay kapangyarihan sa kanila na mag-terminate ng kanilang employees tuwing ikalimang buwan.

Ito ay labag sa security of tenure clause of the Constitution. Ito ay labag din sa Bibliya, sa Koran at iba pang mga banal na kasulatan ng Hinduism, Buddhism, Taoism na nagsasaad na “it is against the Moral Code of the universe to deprive workers of what is due them”.

Para maging tunay na philanthropist ang apat na hari, gawin muna nilang regular at permanente ang mga emple-yado nilang “Endo” o end of five months contract employees.

Alisin ang Tanikala ng Kontraktuwalisasyon, Korapsyon at Kahirapan (ATaKKK). To join please text and/ or email the following: 09177929584, 09287444473, 09287886514 and [email protected].

ANGELO KING

ANGELO KING FOUNDATION

ANI FORBES

ASIA PACIFIC

CENTURY TUNA

HENRY SY

ISPORT LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with