^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dalhin sa junk shop ang license plates

Pilipino Star Ngayon

MAHIGIT 23,000 license plates ang nakatambak sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Pinuproblema ito ngayon ng MMDA kung paano madi-dispose. Karamihan sa plates ay mga kinakalawang na dahil 20 taon nang nasa kanilang posisyon. Nakumpiska ang mga ito mula pa noong 1994. Ayon sa MMDA, binaklas ito ng kanilang traffic enforcers dahil sa iba’t ibang traffic violations at hindi na tinubos. Pinaka-karaniwan ang illegal parking. Pinaka-marami umano ang plates na nakumpiska sa mga motorsiklo (7,494), private vehicles (5,800), public utility jeepneys (4,584), buses (3,700), trucks (700) at Asian Utility Vehicles (350).

Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, sa dami ng plates, puwede na raw magpagawa ng isang gusali na may taas na walong palapag o kaya ay isang tulay. Puwede rin daw gumawa ng mga bangka mula sa plates at mapapakinabangan.

Binabalak ngayon ng MMDA na i-dispose ang plates pero baka raw kailanganin pa ng Land Transportation Office (LTO) ang mga ito para gawing ebidensiya. Maaari raw sampahan ng kaso ang mga may-ari ng plates.

Ang LTO pala ang dapat na mag-ingat ng plates at hindi ang MMDA. Pinakamabuti na makipagkoordinasyon ang MMDA sa LTO para mabigyan ng solusyon ang mga nakatambak na plates. Pagtulungan nila ito. Magsagawa ng pag-iimbestiga ang LTO kung bakit hindi na binalikan ng violators ang kanilang plates. Malamang nakakuha na sila ng bagong plates sa LTO kaya hindi na nag-aksaya pang tubusin. Kung ganito ang nangyari, maaaring ang LTO ang nagkulang. Dapat nag-usisa muna ang LTO sa mga aplikanteng nag-aaplay ng bagong plaka. Binusisi muna sana nila ang aplikante.

Kung walang pagkilos ang LTO laban sa plates, dapat nang ituloy ng MMDA ang pag-dispose sa mga ito. Ibenta ang mga ito at ang pinagbilhan ay gastusin sa pagpapapintura ng mga maruruming pader sa EDSA.

 

ASIAN UTILITY VEHICLES

AYON

FRANCIS TOLENTINO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MMDA

PLATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with