^

PSN Opinyon

Palaisipan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

LAST minute ay sinubukang amyendahan ng Ombudsman ang reklamo laban kay Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. Mahabang kuwento kung pag-usapan ang mga pagbabagong nais ihain laban sa akusadong senador at legalidad nito. Iwan na lang natin sa mga eksperto at sa mga abogado ng mga naglilitis. Ang hindi maiwasang isipin ng madla ay kung bakit may pahabol ang Ombudsman matapos ng napaka-high profile na filing nito pagkalipas ng ilan buwan ding pag-aaral na ginawa. Maiiwasan bang isipin na “mahina” o “mali” ang sinampang kaso kung kaya sinusubukang iwasto ang pagkakamali? Masisisi ba ang kampo nina Senador Revilla kung sabihin nilang walang bisa ang naunang “kulang” na reklamo kung kaya walang batayan ang kanilang pag-aresto?

Ang pag-usig sa mga nasasakdal ay bahagi ng isang criminal justice system na kumikilala na inosente ang mamamayan hanggat hindi napapatunayan ang pananagutan. Katungkulan ng estado na ipakita sa isang hukuman na nagkasala nga ang akusado gaya ng ipinaratang. Hindi patas ang katayuan ng akusado laban sa estado – higit na malaki ang istruktura at yaman ng huli kumpara sa kakayanan ng isang mamamayang ipagtanggol ang sarili. Dahil dito, may mahigpit na patakaran ang batas na dapat ay ang bawat elemento ng akusasyon ay mapatunayan at ang akusado ay bigyan lahat nang resonableng pagkakataong madipensahan ang sarili.

Sa nangyaring naudlot na pag-amyenda sa reklamo, naging palaisipan tuloy kung totoo ngang dinaan sa bilis ang pag-usig sa mga senador. Hindi naman siguro dahil matagal ding panahon ang hinintay bago tuluyang masampa ang kaso. Pero hindi maikakaila na sa pagsulat o pagkatha ng reklamo ay talagang may nagkulang.

Hindi ito ang unang karanasan ng Ombudsman sa paghawak ng plunder case. Sa dami ng naunang high-profile cases ng iba pang public official, dapat ay nakapag-matrikula na sila. Kaya tuloy hindi rin maiwasan ang haka-haka na hindi ito kakulangan ng husay ng Ombudsman – sa halip ay baka patunay ito na may kahinaan nga ang kaso ng gobyerno.

 

vuukle comment

DAHIL

IWAN

JR. MAHABANG

KATUNGKULAN

KAYA

KUNG

MAIIWASAN

SENADOR REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with