^

PSN Opinyon

Mataas ang cholesterol

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NAPAKARAMING pasyenteng mahihirap ang nareresetahan ng mamahaling gamot sa cholesterol. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P20–P60 bawat tableta. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin, at iba pa.

Kailan puwedeng HINDI muna uminom ng Statins?

Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America, binibigay ang Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.

Ang problema kasi, may iilang doktor na kahit na 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statin. Ok lang sana kung mayaman ang pasyente.

Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol? Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.

Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga BABAE na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaing hindi pa menopause.

Kailan DAPAT uminom ng Statins?

Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso, istrok, at napakataas ang iyong cholesterol (lampas 240 mg/dl), kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may diabetes ka, may tulong din ang Statins. Pero unahin mo muna bilhin ang gamot sa diabetes dahil mas mahalaga ito.

Ang mura at epektibong statin ay ang Simvastatin. May mga brands na P10 hanggang P30 bawat tableta. Mahal pa rin di ba?

Paano kung kulang ako sa pera?

Kung wala tayong pera, may tinatawag na “poor man’s statin.” Ano ito? Ito ay ang Aspirin 80 mg tablet na piso lang ang halaga. Makatutulong iyan sa sakit sa puso at mataas na cholesterol.

Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para malinawagan ang ating mambabasa kung kailangan ba talaga uminom ng Statins.

ANO

ATORVASTATIN

CHOLESTEROL

KAILAN

NATIONAL CHOLESTEROL EDUCATION PROGRAM

PAANO

SIMVASTATIN

STATINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with