^

PSN Opinyon

Joel Villanueva sacrificial lamb?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA lahat ng mga kaalyado ni Presidente Noynoy, bakit kaya si TESDA Chief Joel Villanueva ang ipinagdidiinan sa isyu ng pork?

May mga mas bigating pangalan sa administrasyon ng direktang ipinagdidiinan sa isyu pero nagtatanong ang marami, bakit si Villanueva? Kasama raw siya sa ikatlong batch na kakasuhan sa isyu ng pork barrel scam.

Sabi nga ni Senate Majority Leader Alan Peter Caye­tano, kasangga niya si Villanueva sa krusada laban sa corruption sa gobyerno. At naniniwala ako na kung integridad at katapatan ang pag-uusapan sa adbokasya laban sa katiwalian, mataas ang kredibilidad ni Villanueva.

Personal ko rin siyang kakilala dahil kay Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Church na kanyang ama kaya hindi ako kumbinsido sa mga ipinaparatang sa kanya.

Mariing nanawagan si Cayetano sa Department of Justice na ibase sa ebidensya ang paghaharap ng asunto kanino man at hindi lang dahil may pressure  sa labas na nag-uudyok dito na magdemanda.

Tiyak na marami ang magtataas ng kilay kapag tinuluyang asuntuhin si Villanueva na may malinis na imahe samantalang hindi matitinag yung higit na pinaghihinalaan sa panig ng administrasyon. Malamang isipin ng marami na isa lang “sacrificial lamb” si Villanueva para sabihin ng tao na walang sinasanto ang administrasyon kahit pa mga kaalyado nito. Pero hindi iyan ang iisipin ng tao. Lubhang matalino na at politically educated kahit ang mga karaniwang taumbayan. Marunong magsuri.

Sa pagkaalam ko, nauna nang nilinis ng NBI ang pa­ngalan ni Villanbueva sa imbestigasyon nito pero sa hindi malamang dahilan ay ibig ituloy ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Si Villanueva ay nagsilbing party representative sa Mababang Kapulungan ng Citizens Battle Agaionst Corruption (CIBAC) kaya mahirap isipin na gagawa siya ng ano mang bagay na taliwas sa kanyang ipinaglalaban. Ayon nga kay Cayetano, walang ibinuhos na pondo si Villanueva sa NGO ni Napoles at walang sino mang whistleblower ang nagturo sa kanya na dawit sa scam. Maayos din umano ang auditing ng mga proyekto ni Villanueva at walang iregularidad.

Kaya ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin: “Secrificial lamb kaya si Joel?”

 

 

 

vuukle comment

CAYETANO

CHIEF JOEL VILLANUEVA

CITIZENS BATTLE AGAIONST CORRUPTION

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDDIE VILLANUEVA

JESUS IS LORD CHURCH

MABABANG KAPULUNGAN

MANG GUSTIN

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with