Not Special
ARESTO pa rin ng mga akusadong opposition Senators ang pinag-uusapan sa mga huntahan. Naisulat ko na sa huling column na hindi pa sigurado ang pagpalabas ng warrant of arrest hangga’t hindi kumbinsido ang mga mahistrado sa posibilidad na nagawa nga ng tatlo ang akusasyon. Maari ngang ibasura ang reklamo kung kulang ng ebidensiya. Subalit sa mga kumbinsido na sa pananagutan ng tatlo, marami ang naglalaway na makitang posasan ang mga senador. Special treatment daw kung ito’y hindi gawin.
Isyu din ang pagbigay ng special treatment sa mga senador sa kanilang detention facilities at sa mga “luhong†hinahanda na hindi naman ibinibigay sa karaniwang detenido.
Noong 2001, nagpalabas ng warrant of arrest ang isang RTC laban kina Senador Enrile, Defensor-Santiago at Maceda sa kanilang pagkasangkot daw sa rebellion laban sa huwad na pamahalaan ng bagong upong Gloria Macapagal Arroyo. Ang tatlo ay sinita ng mababang hukuman batay sa reklamo na ang kanilang mga talumpati sa EDSA ay nag-udyok sa mga nakikinig na umalsa sa gobyerno. Ibinasura siyempre ang hindi makatwirang paratang subalit natuloy ang pag-aresto kina Enrile at Maceda na pawang hindi naman pumalag. Naalala ko pa noong inaresto ni Police Superintendent Rey Berroya ang aking Ama sa aming bahay sa Sampaloc. Hindi kinaila-ngang maglabas ng posas ang mga pulis dahil kusang sumama ang aking ama.
Ayon sa patakaran ng PNP, kung walang pangangaÂilangan, hindi kailangang posasan ang akusado. Tanging sa pagkakataong hindi sumama ng kusa ang inaaresto ay mapipilitang gumamit ng dahas o, kung kinakaila-ngan, iposas ang aarestuhin. Maganda na siniguro ni DILG Secretary Mar Roxas na walang intensyong hiyain ang mga senador sa harap ng publiko. Sa lahat naman ng deklarasyon ay ipinangako ang kanilang kooperasyon sakaling arestuhin.
Walang basehan ang paratang na special treatment ang ibinibigay sa kanila.
- Latest