EDITORYAL - Nilo Baculo: Ika-29
MULA nang manungkulan si President Noynoy Aquino noong Hunyo 2010, umabot na sa 29 ang mga mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng kanyang termino. Sa Hunyo 2016 ay bababa na sa puwesto si Aquino at ilan pa kayang mamamahayag ang mabubura sa kanyang panunungkulan?
Ang ika-29 na mamamahayag na pinaslang ay si Nilo Baculo, 67, broadcaster ng dwIM radio sa Calapan City, Oriental Mindoro. Pinagbabaril siya ng riding-in-tandem noong nakaraang Lunes, dakong 12:30 ng tanghali. Pauwi na si Baculo at nakasakay sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga lalaking naka-motorsiklo. Tinamaan siya sa katawan. Isinugod si Baculo sa ospital pero dineklarang dead on arrival.
Noong nakaraang Mayo 23, 2014, pinaslang din ng riding-in-tandem si Samuel “Sammy†Bravo Oliverio, 57, ng Digos City, Davao del Sur. Pauwi na umano si Oliverio galing sa palengke kasama ang kanyang misis nang pagbabarilin. Si Oliverio ay blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN) at Ukat Radio.
Noong nakaraang Abril 6, 2014, pinagbabaril din si Ruby Garcia, reporter ng Remate tabloid sa Bacoor, Cavite. Isang mataas na police official sa Cavite ang itinuro mismo ni Garcia habang nagÂhiÂhingalo. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naÂpapanagot sa pagpatay sa reporter.
Pinaka-malagim sa kasaysayan ang Maguindanao massacre noong 2009 kung saan, 30 mamamahayag ang pinaslang kasama ng mga supporters ni Gov. Ysmael Mangudadatu. Hanggang ngayon, lakad-pagong ang paglilitis sa mga mag-aamang Ampatuan. Walang makitang liwanag para mabigyan ng hustisya ang mga pinaslang na mamamahayag.
Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang mapanganib para sa mga mamamahayag, ayon sa London based International News Safety Institute (INSI). Nangu-nguna ang Syria at pumangalawa ang Iraq, pang-apat ang India at panglima ang Pakistan.
Grabe na ang nangyayaring sunud-sunod na pagpaslang sa mga mamamahayag na nagpapakitang wala nang kinatatakutan ang mga criminal. Kailan makakakuha ng proteksiyon ang mga mamamahayag sa pamahalaan? Lagi na lamang bang sasabihin ng Malacañang kapag may napaslang ay pinatutugis na umano nila sa PNP ang mga salarin. May aasahan pa ba ang mga mamamahayag sa pamahalaan maliban dito?
- Latest