^

PSN Opinyon

Selective justice

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ITO ang dapat iwasan ng pamahalaan sa pag-uusig sa mga dawit  sa P10 bilyong pork barrel scam. Matalino naman ang administrasyon at nalalaman na taumbayan ang mag-aaklas kapag nangyari ang tinatawag na “selective justice.”

Huwag sanang mangyari na mayroon lang mangilan-ngilang   scapegoats, o kaalyado ng administrasyon na puwedeng isakripisyo at papayagang mahatulan para lang masabi na “walang sinanto” ang pamahalaan. Ang ganyang taktika ay pihong maaamoy ng mamamayan.

Kaugnay ng hinihingi ng grupong nakikibaka sa pork barrel­, nag-isyu na ang Commission on Audit (COA) ng Notices of  Disallowances (ND). Ngunit ito’y sumasakop lamang sa halagang P1.828 bilyon pork barrel ng mga mambabatas. Ang hini­hinging ND ay dapat sumaklaw sa halagang P6 Billion katulad ng ipinangako mismo ng COA. Ibig sabihin, mayroon pang dokumentong dapat i-release ang COA. Kung hindi ila­labas ang mga dokumentong ito, mapaghihinalaan ang COA na may pinagtatakpan.

Madaling mapiga ang katotohanan mula lamang sa records ng COA. Tama si Greco Belgica na masigasig na namumuno sa grupong kontra sa pork barrel na dapat ilabas lahat ang NDs para masiyasat lahat at mapag-usig at maparusahan ang lahat ng totoong nagkasala.

Sabi ni Belgica sa ipinalabas na statement “There is no need to say who is lying.  Because we were only following up on what we heard the Honorable COA Chairperson said during the oral arguments against the Pork Barrel System last Oct.8, 2013 that was streamed on line”.

Masyado na yatang lumalalim ang usaping ito kaya ang taumbayan, lalu na yung mga non-government organizations na nagmamalasakit sa bayan ay hindi dapat tumigil sa paghuhukay at pagbulatlat sa mga bagay na tila sinasadyang itago.

Kung ako ang Presidente, ako na mismo ang mag-aatas sa COA na buksan ang lahat ng record na magbibigay linaw sa misteryong ito sa pork barrel.

vuukle comment

BARREL

BELGICA

COA

GRECO BELGICA

HUWAG

IBIG

KAUGNAY

MADALING

PORK BARREL SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with