^

PSN Opinyon

‘Pangungunsinti sa loob ng Bilibid’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SAAN mang bansa, kapag pinag-uusapan ang maximum security prison, iba ang paraan ng pangangasiwa at pamamahala.

Dito nakakulong ang mga sentensyadong notoryus na kriminal, mga magnanakaw sa kaban ng bayan at mga sangkot sa ilegal na droga.

Ang bawat patakaran, mahigit na ipinatutupad. Lahat ng nangyayari sa “loob” direktamenteng namo-monitor ng mga namumuno ng pasilidad.

Subalit, sa Pilipinas, matagal ng problema ang sistema sa mga kulungan partikular sa maximum security prison ng National Bilibid Prison. Matagal ng namamayagpag ang gobyerno sa loob ng bilangguan.

Makailang beses ko na rin itong tinalakay sa aking progra­mang BITAG Live at isa sa mga naging malaking istorya pa ng BITAG.

Ang nangyayari, sa halip na pagsilbihan ng mga kriminal ang kanilang mga krimen, ginagawa na lang nila itong bakasyunan.

Sa tulong ng mga tiwaling opisyal at prison guard, malaya pa rin silang nakakagalaw. Naisasakatuparan pa rin nila ang kanilang mga transaksyon gamit ang cellphone at mga galamay sa labas.

Ang kalakarang ito, nagpapatuloy sa termino ni Pangulong Benigno Aquino.

Nitong nakaraang linggo, sinibak sa pwesto si NBP Chief Superintendent Fajardo Lansangan at ilan pang mga jail guard.

 Ang mismong mga nakakulong kasi sa maximum security prison na convicted drug lord at lider ng Sigue-sigue Sputnik Gang Ricardo Camata, umanoy lider ng robbery gang Herbert Colangco at Drug Lord Amin Buratong, madaling nakalabas sa kanilang selda.

Mayroon din umano silang pag-aaring golf carts sa “loob” at nakakatikim ng “tilapia” na nagkakahalaga ng P50,000-P200,000.

Nasa ilalim ni Justice Secretary Leila De Lima ang NBP. Ang kulturang ito sa Bilibid ang isa ngayon sa mga dahilan kung bakit nakabinbin at kwestyunable pa rin sa Commission on Appointment ang pagkakaluklok sa kaniya sa DOJ.

Sa mga kaganapang ito, nagiging persepsyon tuloy ni Juan Dela Cruz at ng mga dayuhang bansa ang lebel ng pangu-ngunsinti ng administrasyon sa pagpapatakbo ng maximum security prison.

Kung hindi tumitingin ang mga mambabatas sa mga problemang ito, patuloy na hindi makakasabay sa panahon ang instistusyon na pinaglumaan na ng mahinang sistema at bulok na kultura.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. 

 

CHIEF SUPERINTENDENT FAJARDO LANSANGAN

DRUG LORD AMIN BURATONG

HERBERT COLANGCO

JUAN DELA CRUZ

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

NATIONAL BILIBID PRISON

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with