^

PSN Opinyon

Dahil sa mana

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG minsan, kapag malaking pera ang pinag-uusapan, kahit magkakapatid ay posibleng mawasak ang relasyon. Nakalulungkot pero ito’y realidad.

Nailathala sa pahayagang ito at sa ating sister paper na PM (Pang-Masa) ang pag-iisyu ng Quezon City RTC ng arrest warrant laban sa magkapatid na inakusahan ng indirect contempt dahil sa isyu ng “mana”.

Lumapit sa atin ang mga inisyuhan ng warrant para sabihing nanalo ang kanilang apela sa Court of Appeals para ibasura ang warrant. Sa desisyon ipinalabas noong  Mayo 28, pinatigil nina CA Justices Rebecca de Guia-Salvador, Danton Bueser, at Ramon Garcia ang arrest warrant laban kay Anna Marcelo-Revilla dahil sa kasong sibil na indirect contempt na inihain ng tiyuhin nitong si Jose Marcelo, Jr.

Una nang nagpalabas sina CA Justices Francisco Acosta, Edwin Sorongon, at Soccoro Inting ng injunction para ipatigil ang pag-aresto sa kapatid nitong si John Steven Marcelo na nakasuhan nang kaparehong kaso.

Ayon sa CA, sa kautusan noong Marso hindi dapat maging kasangkapan sa paghihiganti ng isang naglilitis. Ang kaso ay kaugnay sa inihain ni Jose Marcelo, Jr., kapatid ng yumaong ama naman ng magkapatid na si Edward, at tagapangasiwa sa estadong iniwan ng kanilang amain na si Jose Marcelo, Sr., na kasalukuyang dinidinig naman sa sala ni QC RTC Judge Alexander Balut.

Ipinalabas ni Judge Sta. Cruz ang contempt matapos na mabigo ang magkapatid na Marcelo na maisumite ang mga dokumentong hinihingi ni Jose, Jr, na naglalaman ng mga pag-aari ni Jose, Sr.

 Ngunit nakasaad sa huling desisyon ng CA, na unang isinampa ni Jose, Jr. ang kasong contempt case laban sa magkapatid noong 2011 sa QC RTC, na ibinasura ng korte dahil sa kakulangan ng merito. Inihayag pa ng CA na ang real estate  properties na nasa listahan ng imbentaryo ni Jose, Jr.  ay hindi pag-aari ni Jose, Sr.

 Napansin din ng CA na noong 2012 ay inihayag  ng Malabon RTC na walang karapatan si Jose, Jr.na manghingi  ng records ng Marcelo group of companies na nasa ilalim ng liquidation dahil hindi ito bahagi ng estado ni Jose, Sr.

 Idinagdag pa ng CA na noong Hulyo 2000, habang nagsisilbing administrator si Edward, ang lahat nang tagapagmana ni Jose, Sr. kabilang na si Jose, Jr. ay lumagda sa isang kasunduan para sa hatian ng estado ng kanilang amain. Ang assets na hinihingi ni Jose, Jr., mula sa magkapatid na Marcelo ay hindi bahagi ng kasunduan.

ANNA MARCELO-REVILLA

COURT OF APPEALS

DANTON BUESER

EDWIN SORONGON

JOHN STEVEN MARCELO

JOSE

JOSE MARCELO

JUDGE ALEXANDER BALUT

MARCELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with