World War III nakaamba?
BAGO magsimula ang World War II noong 1941, surpresang inatake ng Japan ang Pearl Harbor (base militar ng Amerika) sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941 na ikinamatay ng libu-libong American servicemen at ilang sibilyan. Panahon ito ni President Franklin D. Roosevelt.
Ito raw ay preemptive move ng Japan para pigilan ang Amerika na makialam sa gagawing panlulupig ng una sa mga bansa sa Asia kasama ang Pilipinas.
Mukhang iisa ang dahilan ng mga digmaan. Ito ay ang pagkagahaman ng mga malakas na bansa na manakop at manlupig para kunin ang likas na yaman ng ibang bansa. Sa nagaganap na panduduro ng China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea kasama na ang babala ng Amerika sa ganoong aksyon, may nakaamba kayang bagong pandaigdig na digmaan? Huwag. Huwag naman. Masyado nang high-tech pati ang larangan ng pakikidigma at baka sa isang araw na mag-umpisa ang giyera ay tapos na ang mundo. Lahat tayo, ano mang lahi at bansa ay talo sa ganyang digmaan.
Sa ngayo’y mabuti pa ang relasyon ng Amerika sa China. Katunayan nga, China na ang nagpapautang ng malaki sa Amerika.
Pero tila nauubusan na ng pasensya ang Amerika kaya’t nakapagsasalita na ito ng mga babala laban sa inaasal ng China. Mukhang nagagalit naman ang China sa ganitong mga babala at sinabing handa itong maging kalaban ng Amerika kung kailangan.
Sabi naman ng kumpare ko: “Moro-moro iyan!†“Ano ibig mong sabihin?†tanong ko sa kanya.
“Kunwa ay nag-aaway ang China at Amerika para maging kapanipaniwala ang tension sa rehiyon at mapa-oo ang mga tao sa rehiyon sa ideyang palakasin ang presensyang military ng Amerika sa rehiyon†sagot niya.
Ewan ko kung ano ang totoo. Isa lang ang natitiyak ko. Totoo man o hindi ang tension, ito’y tiyak na magdudulot ng panganib sa maraming tao.
Akala ko ba’y itinakwil na ng lahat ng bansa ang digmaan matapos ang second world war?
- Latest