^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan sasapat ang silid-aralan?

Pilipino Star Ngayon

TUWING pasukan sa public school, lagi nang problema ang kakapusan ng silid-aralan. Wala pang naitalang pasukan na sumapat o nagkaroon ng ekstrang silid-aralan. Laging kulang at kaawa-awa ang kalagayan ng mga mag-aaral na nasa koridor ng school at doon nagkaklase. O di naman kaya ay nasa lilim sila ng punongkahoy at doon nagsusulat o nagbabasa. Ang pagkakaroon nang sapat na silid-aralan ay isang pangarap na hindi magkaroon ng katuparan. Matagal na ang problemang ito na hindi kayang solusyunan ng mga namuno at kasaluku­yang namumuno sa bansang ito. Sa kabila na ang Department of Education (DepEd) ay isa sa may pinakamalaking budget, hindi makapagpagawa ng mga school na may sapat na silid-aralan. Isang malaking katanungan kung bakit sa tuwing pasukan ay problema ang silid-aralan. Ano ang dahilan ng kakulangang ito.

Ang budget ng DepEd ngayong 2014 ay P335.4 billion. Ito ang pinakamalaki na nakuha ng DepEd sa kasaysayan ng bansa. Ayon sa report, malaki ang allocation ng DepEd sapagkat magpapagawa ng mga bagong school para sumapat ang silid aralan. Magha-hire din ng mga bagong guro. Magpapagawa ng mga libraries, comfort room at marami pang pasilidad sa pampublikong paaralan sa bansa.

Maraming umasa (karamihan ay mga magulang) na maisasaayos na ang kakulangan sa silid-aralan ngayong school year 2014-2015. Marami nang nag-imagine na hindi na mahihirapan ang kanilang anak sapagkat magkakaroon na nang silid aralan na may sapat na silya, blackboard at erasers at mayroon ding comfort room.

Pero sa nakita noong Lunes na tambak ang mga estudyante sa labas ng paaralan dahil walang classroom, walang katotohanan na ang malaking allocation ng budget ay nagamit  para makapaggawa ng sapat na school. Hindi rin totoo ang sinabi ni Presidente Aquino sa kanyang talumpati sa cere­monial turnover ng mga classroom sa Carmona, Cavite kamakailan na nalutas na ang problema sa kakulangan ng silid-aralan. Panaginip lamang ang lahat na nauwi sa bangungot. Maraming mag-aaral ang natuliro dahil sa kawalan ng classroom. Hanggang kailan ang problemang ito?

ANO

ARALAN

AYON

CARMONA

DEPARTMENT OF EDUCATION

MARAMING

PRESIDENTE AQUINO

SILID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with