^

PSN Opinyon

Si Pope Francis

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita papasyal dito next year si Pope Francis at sana bumisita rin ito sa mga nasalanta ng super bagyong si Yolanda kaya dapat matuwa ang madlang public para naman ang proyekto ng gobierno sa mga lugar na winasak ni Yolanda ay mapabilis.

Sabi nga, speed bagal sa ngayon!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na dumating sa Tacloban si Pope Francis at basbasan ang mga biktima rito tiyak malaking balita ito around the world.

Ika nga, huwag sanang makita na super bagal ang rehabilitasyon dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak naka-focus ang madlang people around the world sa pagbisita ni Pope Francis sa mga winindang na lugar at dahil sa pangyayaring ito malamang muli na naman silang magpadala ng contribution sa mga biktima ni Yolanda.

Sana ipamigay na? Hehehe!

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, super slow ang rehabilitation sa mga lugar na affected kaya naman ang madlang victim ay panay ang reklamo at naghihinanakit sa gobierno.

Sabi nga, pinabayaan ninyo kami. Amen!

Kapag ang sinaing este mali hinaing pala ng madlang victim ang nasilip dahil sa balitang nangyayari ang madlang people around the world ay mawawalang gana na muling bumunot para tumulong sa gobierno.

Korek ka dyan, Kamote!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati kaparian ay nagtutulak na paspasan ang rehabilitasyon sa mga victim ni Yolanda para hindi maging kahiya-hiya ang Philippines my Philippines sa mata ng mga dayuhan oras na dumating si Pope Francis.

Hindi rin kasi biro ang tulong na natanggap ng gobierno around the world para sa mga biktima ni Yolanda pero asan na ito?

Sagot - ibinulsa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagpunta rito ni Pope Francis kikilos ng mabilis ang gobierno para hindi lumabas na kahiya-hiya sila sa mata ng mga dayuhan.

Bakit?

Sagot - sobrang bagal ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalat este mali sinalanta pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malamang si Pope Francis ang susi para buksan ang ‘mind’ ng gobierno para madaliin ang rehabilitasyon sa mga sinira ni Yolanda.

Abangan.

 

 

 

Si Rep. Trenas, SMC at bagong airport

 

NATUTUWA tayo sa galak sa praise release ni Iloilo Rep. Jerry Trenas tungkol sa pagpapatayo ng bagong mga paliparan dahil  sobra na ang pagsisikip sa  Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘very good’ ang plano ng San Miguel Corporation na magtayo ng isang bagong international airport with matching four runway para lumaki ang passengers capacity ng NAIA.

Ibinida ni Trenas, dapat suportahan ang mga ganitong Public Private Partnerships para sa pagpapagawa ng mas malalaki at higit na sopistikadong mga paliparan.

Kuento ni Trenas, hindi mumurahin ang pagpapatayo ng bagong mga paliparan at mas malalaking runway at magandang solusyon ang pagsangkot ng pribadong sektor sa ganitong proyekto.

Alam ni Trenas, na  kailangang mapagbuti pa ang airport system sa Philippines my Philippines para tugunan ang mabilis na paglago ng ekonomiya na mahihiwatigan sa dumaraming air traffic na kadalasang nagbubunga ng pagsisiksikan at naaantalang mga flight.

Sabi ni Trenas, merong apat na terminal ang NAIA kabilang ang old domestic airport, wala namang sapat na runway para sa lumalaking air traffic lalo na kung holiday.

‘sana magkatotoo ang panaginip ni Trenas dahil kapag naayos ang airport sa atin lalong lalago ang economy at hindi na tatawagin ng ibang dayuhan ang NAIA terminal 1 ang isa sa pinakamalalang paliparan around the world.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

ABANGAN

ASSET

AYON

IBINIDA

PARA

POPE FRANCIS

SABI

TRENAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with