^

PSN Opinyon

Goodbye, Vitangcol

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TUWANG-tuwa sa galak ang madlang people partikular ang MRT riders sa pagkakasibak ni MRT 3 General Manager Al Vitangcol III, kaya lang hindi pa rito nagtatapos ang ‘wish’ nila dahil kailangan niyang panagutan ang diumano’y ‘large-scale corruption’ at ang pakaang-kaang na pamamahala sa MRT.

Sabi nga, replacing Vitangcol 123 este mali III pala is not enough!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga akusasyon na ibinato kay Vitangcol kaugnay sa usaping US$30 million extortion sa isang train car manufacturer mula sa Czech Republic at ang awarding of contract na P517.5 million service deal sa tiyuhin ng kanyang watot.

Ika nga, para itong utot na mabaho. Hehehe!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaila­ngan ding managot si Vitangcol sa diumano’y hindi paglutas sa train system’s major problem. Pinabayaan nito ang madlang rider na magprosesyon o umakyat sa kalbaryo para lamang makasakay ng train papunta sa kani-kanilang destination.

Bakit ganito?

The other day, kinuestiyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang tiyempo ng pagbibitiw ni Metro Rail Transit-3 General Manager Vitangcol III sa tungkulin bago pa man simulan ang imbestigasyon ng Kongreso sa tangka umanong pangingikil ng $30 milyon sa isang kumpanyang Czech noong 2012.

Tinanggal din sa puwesto noong Mayo 26 si Vitangcol na patuloy na nahaharap sa mga tanong hinggil sa iba pang maanomalyang transaksiyon na pinasok ng MRT-3 kabilang ang napaulat na P517-million maintenance contract sa PH Trams, na isa sa mga incorporator ay tiyuhin ng kanyang watot.

Duda si Tiangco, na may nangyayaring hindi maganda sa paiba-ibang pahayag ni Transportation Sec. Joseph Abaya tungkol sa pagbabakasyon, pagtanggal o pagbibitiw ni Vitangcol bilang general manager ng MRT-3.

Kuento ni Tiangco, ang biglang ‘pagbibitiw’ ni Vitangcol sa tungkulin ay isang malaking question mark dahil na rin sa im­bestigasyon sa umano’y tangkang pangongotong sa train builder na Inekon sa harap ni Czech Ambassador Josef Rychtar.

Sabi ni Tiangco, noong kasagsagan ng mga kontrobersyal isyu sa pangingikil sa Inekon, ayaw ni Vitangcol na bumaba sa puwesto naging matigas ito kahit direkta siyang pinangalanan ni Rychtar bilang isa sa personalidad sa likod ng kontrobesiyal na MRT-3 expansion program contract.

Sabi noon ni Vitangcol sa mga ibinabato sa kanya ni Rychtar na kalokohan ang sinasabi nito at hinamon pa niya ang Ambassador na alisin ang kanyang immunity para magkaroon ng patas na banggaan ang dalawa.

Ika nga, korte!

Kaya naman takang-taka si Tiangco sa pag-say goodbye ni Vitangcol sa MRT-3.

Bida ni Tiangco, merong dahilan sa likod ng kanyang pagbibitiw puedeng isang  game plan ito para patahimikin siya at mailigtas ang mas malaking isda?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Noong kasagsagan ng bangayan ay may sinasabi si Rychtar na ilang maimpluwensiyang personalidad na bahagi ng grupo na lumapit sa kanya sa naudlot na $30 million transaksyon.

‘Sino kaya ito?’ tanong ng kuwagong salawahan.

‘Fall guy kaya si Vitangcol?’

Abangan.

3-day school week

MAGANDA ang naisip ng mga bright people dyan sa Department of Education ang planong pagpapatupad ng 3-day school week sa ilang paaralan sa Metro Manila .

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabigla ang DepEd nang magdagsaan ang mga mag-aaral sa mga eskuelahan kabilang siempre dito ang mga transferee from one school to another school kaya hayun hindi nila nakontrol ang sistuasyon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sa magiging problema dito ang kakulangan ng classrooms at ang overcrowded na mga student sa isang silid-aralan.

‘Ok ang plano ng DepEd basta ang importante ay matutukan nila ang mga estudiante dahil maninibago ang mga ito sa pagpasok at baka lalong magbulakbol lamang sila?’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, biyak ang tatlong araw para sa mga estudiante may papasok mula Lunes up to Wednesday at pagkatapos ay Thursday to Saturday naman.

Sabi nga, by batch!

‘Ang mahalaga ay hindi maapektuhan ang quality ng pagtuturo sa mga ito!’

Abangan.

ABANGAN

AYON

CZECH AMBASSADOR JOSEF RYCHTAR

CZECH REPUBLIC

RYCHTAR

SABI

TIANGCO

VITANGCOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with