^

PSN Opinyon

China naghahamon na ng digmaan?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGTATAYO na ang China ng isang $5 bilyong artificial island na magsisilbing aircraft carrier sa West Philippine Sea. Sa ganitong pamumustura ng China, malinaw na naghahamon na ito ng giyera.

Wala tayong magagawa kundi magbuntunghininga. Habang yung ibang bansang apektado ay nagsisipagtayo na rin ng  kani-kanilang pasilidad sa pinagtatalunang lu­gar, tayo ay tameme lang.

Sabi ni Presidente Noynoy, hindi gagaya ang Pilipinas sa ginagawa ng ibang maliliit na claimant countries. Sa isang banda, may katuwiran ang Pangulo dahil mayroong umiiral na kasunduan ang mga bansa tungkol dito: Ito ang Declaration of Conduct on South China Sea.

Anang Pangulo sa isang panayam sa Puerto Prin­ce­sa City, kapag ginawa ito ng Pilipinas ay lalabag tayo sa natu-rang deklarasyon. “Kapag nagtayo tayo ng facilities doon to inhabit a previously uninhabitable pati tayo ay guilty of violating the agreement that we all agreed to” anang Pangulo.

Anang Pangulo, kaisa ang ating bansa sa panawagan sa nakaraang ASEAN Summit sa Myanmar laban sa pagtaas ng tension sa South China Sea. Sabi nga mismo ng Vietnam, umaabot na sa mahigit 100 barko ng China ang nagbabantay sa kanilang oil rig sa islang inaagaw ng China.

Nakakaalarma. Ito’y apoy na hindi dapat gatungan kun­di sawatain sa paraang mapayapa. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng negosasyon.

Dapat umalinsunod sa itinatadhana ng batas pandaigdig dahil ang isang maling hakbang ay magiging daan sa pagsiklab ng bagong digmaan tulad ng World War III. Huwag naman sana.

Isa lang ang dahilan kung bakit pinag-iinteresan ang South China Sea o West Philippine Sea. Mayaman ito sa natural gas at langis.  Ilang ulit nang nagtangka ang mga bansa na magkaroon ng joint exploration para mapakinabangan ito ng lahat ng bansang umaangkin dito pero wala yatang may gusto dahil karamihan sa mga bansa, lalu na ang China ay gustong angkinin lahat.

ANANG PANGULO

CHINA

DECLARATION OF CONDUCT

PANGULO

PILIPINAS

PRESIDENTE NOYNOY

SOUTH CHINA SEA

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with