^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Shabu: Ugat ng mga karumal-dumal na krimen

Pilipino Star Ngayon

AYON sa report, naka-shabu ang ama na pumatay ng sariling anak at pagkatapos ay kinunan ito ng picture at ginawang profile picture ng Facebook account. Sinaksak umano habang natutulog ang pitong taong gulang na anak na babae. Ayon sa report, bago ang karumal-dumal na krimen, nag-away ang lalaki at kanyang asawa na nasa Canada. Pinauuwi umano ng lalaki ang kanyang asawa pero tumanggi ang babae. Nagbanta ang lalaki na papatayin ang anak kapag hindi umuwi. Ginawa nga ang banta. Nadakip ang lalaki at inamin na nag-shabu siya kaya nagawa ang krimen.

Nag-shabu rin ang dalawang magkapatid na traysikel drayber kaya ginahasa at pinatay ang isang UST graduate sa Molino, Bacoor, Cavite noong nakaraang taon. Ayon sa report, bumili ang biktima ng kakanin at ang traysikel ng magkapatid ang kanyang sinakyan. Sa halip na sa bahay ito ihatid, sa isang kubo sa gitna ng bukid ito dinala at doon ginahasa at pinatay.

Marami pang nangyaring krimen na iniuugnay ang paggamit ng shabu. Maski sa mga liblib na lugar sa bansa ay laganap ang shabu at ginagawang halimaw hindi lamang ang mga kabataan kundi pati ang mga may edad na. Maraming pro-pesyunal ang lulong sa shabu --- may artista, basketball player, pulis, at maski pulitiko – at marami na sa kanila ang nasira ang buhay at kinabukasan.

Ayon sa Dangerous Drug Board (DDB) tinata­yang 1.7 milyong Pinoys ang gumagamit ng illegal drugs. Taun-taon umano ay nadadagdagan ang mga gumagamit ng bawal na droga. Ang shabu ang karaniwang ginagamit sapagkat mura at madaling makita. Parang kendi na lang ito na nabibili sa kalye.

Paigtingin pa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya laban sa sindikato ng droga. Nagtatrabaho 24/7 ang mga sindikato ng droga kaya hindi dapat pumikit ang PDEA at iba pang drug enforcement agencies. Durugin ang sindikato ng droga upang mabawasan ang paglaganap ng krimen.

 

AYON

BACOOR

CAVITE

DRUG BOARD

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DURUGIN

FACEBOOK

GINAWA

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with