^

PSN Opinyon

‘National Paralysis’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NANANAWAGAN ngayon si dating Senator Edgardo Angara sa ehekutibo, hudikatura at sa media na maging maingat sa pagtalakay sa isyu ng PDAF scam.

Sinasabi niya na maging “self-restraint” o dapat ma­runong magkontrol at maging mahinahon ang tatlong sangay baka daw magkaroon ng “national paralysis” o maparalisa ang pamahalaan. Ang hindi diretsahang masabi ng dating senador na isa rin sa mga isinasangkot sa PDAF scam, mag-ingat ang ehekutibo, hudikatura at media sa usapin dahil ang mga dati at kasalukuyang iniluklok sa lehislatura ang sentro ngayon ng kontrobersiya.

Ito ang matalinong pag-aanalisa ng programang BITAG Live kahapon.

Noong taong 2012, inumpisahan ni Pangulong Noy Aquino ang paglilinis sa hanay ng Hudikatura. Sa tulong ng Lehislatura, napalayas ang sinasabing may hawak ng “korona” ng katiwalian, ang dating Chief Justice Renato Corona. Ito rin ‘yong taon na sinasabing nagpakalat ng DAP o “suhol” si PNoy sa mga senador at kongresista para masigurong mapatalsik ang pinakamataas na hukom sa bansa. Tulad ng PDAF, hindi pa rin tapos at nareresolba ang isyung ito.

Ngayong ang mga gabinete niya naman na nagmamalinis at mismong nag-impeach kay Corona ang mismong isinasangkot na sa kontrobersiya, saka sila magsasabing maging maingat at maging mahinahon. Matatandaang nitong mga nakaraang araw, tahasang ipinahayag ni PNoy na duda siya sa integridad ng “Napolist” kung saan marami sa kaniyang mga “KKK” naging ka-transaksyon umano ni Napoles.

Hindi lang para sa mga piling indibidwal sa pamahalaan ang sinasabi ni PNoy na “Matuwid na Daan.” Kung inumpisahan ng presidente ang paglilinis, dapat iaplay din ito sa lahat ng mga isinasangkot sa pork barrel scam. Ang batas ay para sa lahat at hindi para sa iilang pili lang, depende sa kulay at partidong kinaaaniban.

Maliit man o malaki ang kontrobersiya, kung sino ang nasasangkot, dapat iisa lang ang pamantayan at panukat. Kung pinatalsik nila si Corona, dapat mapatalsik din ang mga tiwaling kaalyado ng administrasyon. Hindi pinag-uusapan dito ang posisyon. Ang importante sa puntong ito ay integridad ng bawat nakaupo sa gobyerno.

Naghihintay ang taum­bayan kay PNoy na magdeklarang wala siyang kinakanlong sa PDAF scam at sabihing lahat ng mga isinasangkot, kaalyado man o hindi, kinakailangang dumaan sa proseso ng pag-iimbestiga.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAAN

HUDIKATURA

PANGULONG NOY AQUINO

SENATOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with