^

PSN Opinyon

Ningas-kugon

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING Manileños ang humanga sa tibay ng paninindigan ni MPD director CSupt. Rolando Asuncion mula nang tablahin ang lahat ng uri ng sugalan sa kaharian ni Mayor Joseph “Erap” Estrada. Kasi nga sa kasalukuyan halos lahat nang bookies ng karera (horse racing, loteng at ending) ay sarado maliban na lamang sa patuloy na pamamayagpag ng mga video karera at fruit games na pag-aari mismo ng mga tusong pulis. Subalit hindi pumapayag itong mga ilegalista sa kagustuhan ni Asuncion dahil mayroon pa ring nagaganap na kubrahan ng taya sa karera ng kabayo, loteng at ending na patago, ika nga’y kanggaroo style. Kaya hindi ito maitatago sa mata ng mga media personalities sa Manila Police District headquarters. Tuwing sasapit kasi ang dilim jeep-jeep na puno ng mga sugarol ang dinadala sa DPIOU matapos mahuli sa mga bookies at tupada. Hehehe!

Ang masakit mukhang show-up lamang itong ipinapa-kita ng mga taga-DPIOU dahil nakakalabas din agad ang mga dinampot na sugarol matapos na magkaayusan este magpakita ang maintainer o gambling lord. Lumalabas tuloy na ningas-kugon lamang itong pagmamatigas ni Asuncion laban sa sugalan sa Maynila. Kasi nga kung babasehan ko itong sulat kamay na ipinarating sa akin ng isang concerned citizen ng Maynila, lumalabas na tuloy pa rin ang pamamayagpag ng sugalan sa palihim na pamamaraan. At upang maliwanag sa programa ni Asuncion narito ang  weekly collection na gumagasgas sa kanya: Barbosa PCP-P150k na ang kolektor ay si Albert. DIDM-P50k, DID-P150k na ang mga kolektor ay sina Ken-Ken at Jun Diabetes na pawang bataan nina Tata Gerry Santos at Tata Obet Razo. P-50k naman ang naipapasok ni Owen sa CHAPA ng Manila City Hall at P30k naman kay Melad.

Hindi rin nagpahuli ang CIDU/Inforcement na may parating rin na P125K sa pambabaraso ng isang Sir Cocoy at ang monitoring na may P50k mula kay Ranze sa ilalim ng superbisyon ni Obet. Ang STG-Sekreta ay may P150 collection mula naman kay Rey at ang STF na may P75k sa paggagalugad ni Jack na bata ni Tata Boy Wong. Ang ODA ay may P50 namang parating mula sa panghaharibas  ni Eddie Boy samantalang ang GAS ay may P100k mula kay Josefino. Ang DPIOU Reaction ay may P50 at DPIOU na may P100k namang kolekyon mula kina Ricky at Mike. Ang DSOU ay P50k samantala ang CIDG-NCR ay tumataginting na P75k mula sa panghaharibas nina Gany at Erwin na ang kanilang leader ay si Allan Mendoza. Kita n’yo na mga suki! Paano mapaniniwalaan itong “no take policy” na pinaiiral ni Asuncion kung mayroon pa ring collection ang ilan niyang mga Operation Unit sa MPD headquarters at Manila City Hall.

Ang mabuti sigurong gawin ni Asuncion ay ipatapon niya sa labas ng Maynila itong mga opisyales na binanggit ko upang maging makakatotohanan ang kanyang pangarap na tigil na ang sugalan sa kaharian ni Erap. Abangan!

 

vuukle comment

ALLAN MENDOZA

ASUNCION

EDDIE BOY

ERAP

JUN DIABETES

KASI

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with