Hesus, ating Daan, Katotohanan at Buhay
SARIWAIN natin ngayon ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa Mabuting Balita. Ito ang kauna-unahang Misyon ng mga Apostoles upang pangalagaan ang aral ni Hesus. Pumili pa sila ng pitong lalaki na puspos ng Espiritu Santo upang kasama ng 12 apostoles ay ipalaganap sa sandaigdigan ang Salita ng Maykapal.
Sa pamamagitan ni Pedro ay itinalaga ng Diyos ang Sakramento ng Pagpapari. Ito ay nanatili sa mga katoliko, anglican at orthodox na simbahan. Sa buong sanka-kristiyanuhan ay tinaguring mga Pastor ang bawat pinuno ng mga simbahan ni Hesus. Ngayon ay ipinagmamalaki ng ating bansa na ang bokasyon sa pagpapari at mga lider ng bawat simbahang Kristiyano ay lumaganap na at kuÂmalat sa buong daigdig. Pinagyayaman natin ang tawag ni Hesus upang ilaganap ang Mabuting Balita. Hindi lamang mga pari at madre ang namayani sa pagpapahayon ng Salita ng Diyos kundi lahat ng ministro ni Hesus na Diyos na totoo at taong totoo.
Magpuri tayo at magpasalamat sa Diyos na sa kabila ng kahirapan ng ating bansa; mga problemang nagmula sa mga nakawan sa kayamanan ng ating bansa ay matibay pa rin ang ating pananampalataya. Sinusunod natin ang tagubilin ni Hesus na huwag tayong mabalisa, manalig tayo sa Kanya. Ipagpatuloy natin ang Kanyang tagubilin na magagawa rin natin ang mga ginawa ni Hesus at sinabi Niya: “Ako ang daan, ang katotohanan at buhayâ€.
Magpaka-tatag tayo sa ating pananampalataya sa Kanya, para bang sinasabi sa atin: “don’t worry about so many things†ang pinakamahalaga ay isabuhay natin ang Kanyang Salita at Aral na ating daan patungo sa Ama. Sa kabila ng kaguluhan sa ating pamahalaan maging sa ating tahanan ay narito Siyang kasama natin pasan ang Krus ng ating buhay.Via-Daan, Veritas-Katotohanan at Vita-Buhay (VVV).
Ang bokasyong pagpapari ay hindi katulad ng karaniwang antas sa mataas na paaralan upang paghandaan ang material na kinabukasan ng bawat nagtapos. Manapa’y ang pag-aaral bilang isang pari ay bokasyon o tawag ng Panginoon upang maibahagi sa buong sangka-Kristiyanuhan ang lubusang paglilingkod ng bawa’t isang pari.
Gawa 6:1-7; Salmo 32; 1Pedro 2:4-9 at Juan 14:1-12
- Latest