Gilas-Albano
NAGPAKITANG gilas si Quezon Ciy Police District director Chief Superintendent Richard Albano sa kaharian ni Mayor Herbert “Bistik†Bautista noong Lunes matapos ang madugong pananalakay ng riding-in-tandem sa Commonwealth at Regalo Avenues noong madaling araw ng Linggo. Siyempre upang mapagtakpan ang kapalpakan at kapabayaan ng kanyang mga pulis. Kasi nga maging si Pres. Noynoy Aquino ay naalarma sa walang habas na pamamaril ng dalawang suspek sa mga inosenteng mamamayan ng Lungsod Quezon. Kaya noong Lunes naaresto ang anim katao na ayon kay Albano positibong sangkot sa pamamaril kina Rodelio dela Cruz, Alodia Grace Go, Gilmer Gabronino at Angelie Auguis. Nahintakutan ang mga taga-Fairmont Subdivision nang sumalakay ang halos buong puwersa ng QCPD kasama ang Special Weapon and Tactics kasama na roon ang patulog-tulog na mga tauhan ni Supt. Dennis De Leon ng Police Station-5. Sa kabutihang palad nasakote ang anim na nakilalang sina Al Said Mindalano, Bochary Mindalano, Mangoatawar Monib, Ahmad Madkadato, Cezar Ate, at 16 yrs old na pinakawalan din dahil menor de edad pa ito. Nakarekober ang mga tauhan ni Albano ng mga baril, Granada sa hide out ng mga pusakal, ngunit duda ang aking mga kausap sa pagsalakay ng tropa dahil mukhang panakip butas lamang ito sa kapalpakan ng mga taga QCPD. Hehehe! Kasi nga kung ginampanan lamang ng mga tauhan nina Albano at De Leon ang kanilang trabaho noong Linggo ng madaling araw tiyak na nahadlangan ang pamamaril sa mga inosenteng mamamayan ng North Fairview. Hindi pa nagtapos ang pakitang gilas ni Albano sa kaharian ni Mayor Bistik dahil noong Martes muli itong nagsagawa ng sona sa tatlong lugar sa Quezon City kung saan ay may 15 tao ang kanilang dinala sa QCPD heaquarters. At habang pinuproseso o pagkilala sa katauhan ng mga ito ay may pumutok na balita na dalawang holdaper naman ng pampasaherong jeepney ang pinatay este napatay sa engkuwentro sa may Mangga St. di kalayuan sa Aurora Boulevard. Mukhang drawing ang pangyayari ayon ‘yan sa aking mga nakausap kasi nga ang dalawang holdaper na napatay ay pawang armado ng caliber 38 na ang isa ay wala pang underwear. Hehehe!
Kaya tuloy ang hinala ng aking kausap na “latag†ang eksena. Ngunit hindi naman siguro gagawin ito ng ating matitinong pulis Quezon City dahil itong lugar ng Cubao ay pinamumugaran ng mga holdaper ng jeepney at UV Express particular na tuwing sasapit ang dilim noon pa man. Minalas lamang itong dalawang holdaper na masampulan sila ng bangis ng puwersa ni Albano matapos ang kahihiyang eksena sa North Fairview.
Ito marahil ang simula na makikita na ang presinsya ng mga tauhan ni Albano sa kalye dahil may lamat na siya kay Pres. Noynoy Aquino at Mayor Bistik. Ngunit kung tatanungin nyo ang mga taga-QC, mas gugustuhin nilang balasahin ang buong puwersa ng pulis QCPD kesa manatili ang mga ito sa puwesto. Abangan!
- Latest