^

PSN Opinyon

2 bank officials, inireklamo ng sexual harassment

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang inireklamo ng sexual harassment ang dalawang opisyal nang malaking banko?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mr. Juan Elizalde ng Manila Broadcasting Company, Edwin Montilla ng Easy Rock 96.3 FM, Heth Rozol del Moro ng DZRH, Raquel Racraquin, Marian Laurice Mempin at Manay Lolit Solis.

Alam n’yo bang nagreklamo at humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO) ang isang magandang empleada ng banko matapos iharass ng dalawang opisyal?

Ayon sa aking bubwit, hindi lang sexual harassment ang ginawa sa magandang empleada kundi meron pang kasong unfair labor practice. Ang inireklamo sa PAO ay ang branch manager at investment manager nang mala-king commercial bank.

Unang nag-attempt ang investment manager sa magandang empleada. Niyaya itong maglaro ng tennis at sinabing meron pa silang mga kasama. Yun pala ay silang dalawa lang at sa halip na maglaro ng tennis, ang gusto palang laro ng manager ay mag-penis.

Ang branch manager naman ay pumorma rin sa magandang empleada pero hindi siya nakalusot. At nang hindi bumigay ang empleada, hinanapan niya ito ng butas at biglang tinanggal makalipas ang apat na buwan. 

Dahil dito, nagsumbong ang empleada sa PAO at kinasuhan ang dalawang bank officials at isa pang empleado.

Ang mga kinasuhan ay opisyal ng Bank of Philippine Islands (BPI) Sta. Mesa Branch, Manila. Sila ay sina Branch Manager M. as in Manyakis, Investment Manager D. as in Dako at empleadong si Mr. P. as in Pedro.

 

vuukle comment

AYON

BANK OF PHILIPPINE ISLANDS

BRANCH MANAGER M

EASY ROCK

EDWIN MONTILLA

HETH ROZOL

INVESTMENT MANAGER D

MANAGER

MANAY LOLIT SOLIS

MANILA BROADCASTING COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with