^

PSN Opinyon

Beauty contestants nagiging first class prosti

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang sinabi ng may-ari ng isang medical clinic na nagiging first class prosti umano ang mga nagiging beauty contestants?

 Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay DILG Sec. Mar Roxas, dating Mayor Mon Ilagan ng Cainta, Rizal; Bro. Terry Penetrante, Bro. Armand Navarroza, Sheila Mae Ruiz ng SGV at Cecilia Villarete ng Tondo, Manila.

Alam n’yo bang umiyak ang isang beauty queen matapos laitin ng isang doktora ang mga Pinay beauties na sumasali sa mga beauty contest?

Ayon sa aking bubwit, kaharap ng beauty queen ang may-ari ng isang medical clinic nang interbyuhin ng isang Australian journalist tungkol sa beauty pageants sa bansa.

Sa nasabing interview, sinabi ng doktora na kaya sumasali ang mga Pinay sa beauty contest ay para lamang maging stepping stone para tumaas ang kanilang presyo. Ang mga talunan ay nagiging first class prosti at ang winners naman ay nagiging asawa o trophy ng mga lalaking mayayaman kahit hindi naman guwapo.

Ayon pa sa aking bubwit, sinabi pa ng doktora sa kanyang panayam na kadalasan ay mga Pilipinang mapuputi ang nananalo dahil para silang Santa. At ang mga maiitim naman ay bihira umanong manalo.

Dahil sa ganitong pag-alipusta ng doktora sa beauty contestants ay napahiya at napahagulgol sa pag-iyak ang probinsiyanang black beauty na nanalo kamakailan sa isang international beauty pageant.

 Ang beauty queen na umiyak ay si Miss Venus Raj. At ang doktorang mababa ang pagtingin  sa ilang beauty contestants na nagiging first class prosti raw ay si Dra. V. as in Victoria.

vuukle comment

ARMAND NAVARROZA

AYON

BEAUTY

CECILIA VILLARETE

MAR ROXAS

MAYOR MON ILAGAN

MISS VENUS RAJ

PINAY

SHEILA MAE RUIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with