^

PSN Opinyon

Ang Napo-list at at COA record

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SALAMAT at brinaso na ng Senate Blue Ribbon Committee si Justice Secretary Leila de Lima na ilantad na sa Senado ang listahan ng ibang nasasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam. Tanong ko lang, bakit pinagtagal pa ang pagpapalabas ng subpoena ni blue ribbon chairman, Sen. TG Guingona?

Pero higit na importante sa listahang iyan ay ang record ng Commission on Audit (COA) na maglalantad sa pork disbursements ng mga mambabatas. Iyan ang hindi ubrang magsinungaling at hindi na kailangang siyasatin pa. Ang “napolist” ay puwedeng gawa-gawa lamang ng isang taong humahanap ng damay. Pero ang record ng COA ang magpapatotoo sa ano mang alegasyon laban sa mga mambabatas na isinasabit sa anomalya.

May sentido ang panawagan sa COA ni Greco Belgica, pangunahing petitioner laban sa pork barrel system. Ito ay ang paglalantad ng COA sa notice of disallowances na kinapapalooban ng P6 bilyon hinggil sa disbursement ng pork barrel allocation ng mga mambabatas. Ito ay yung mga disbursement na kuwestyonable. Noon pang  Oktubre 8 nang nakalipas na taon nangako si  COA Chair Grace Pulido Tan na ilalantad ito sa ginanap na oral argument matapos ideklara ng Korte Suprema ang pork barrel system na labag sa Konstitusyon.

Sabi ni Belgica, “Withholding these ND’s are greater injustice than that of Sec. de Lima and Sen.Lacson’s concealment of the NAPO-LIST”. Hinihingi sa notice of disallowances na ibalik ng mga kinauukulang mambabatas ang salaping nakuha at nagastos nila. Sa mas garapal na termino, ang mga perang “kinurakot.” Malaki ang maitutulong ng mga dokumentong ito sa notice of disallowances para mabigyan ng liwanag ang usapin sa pork barrel lalu pa’t tutuusin na ang sistema ay ipinatutupad na sa iba’t ibang pangalan sapul pa noong  1991.  Ang tanong, bakit itinatago ito?

Sabi ni Belgica, dapat kuwestyunin at panagutin ang COA Chairman sa pagtatago ng mahalagang dokumentong ito. 

Tama nga naman. Ang mga kababayan natin na nakukuba sa katatrabaho ay nagbabayad ng buwis sa gobyerno sa  bawat sentimong pinagpapaguran nila. Tapos ang buwis pala ay kinukulimbat lamang ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

vuukle comment

BELGICA

CHAIR GRACE PULIDO TAN

GRECO BELGICA

JUSTICE SECRETARY LEILA

KORTE SUPREMA

LIMA AND SEN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with