EDITORYAL - Nasaan na naman ang mga pulis?
NAKITA na naman ang kahinaan ng Philippine National Police (PNP) noong Linggo ng mada-ling araw. Hindi sila maaasahan na magpatrulÂya kung gabi sa mga lugar na maraming tao at kaÂiÂÂlangan ng tulong. Kung may nagpapatrulyang pulis sa Regalado cor Commonwealth Avenues, Fairview, Quezon City, maaaring hindi napatay ang limang inosenteng sibilyan ng dalawang lalaÂking sakay ng motorsiklo na umano’y “mad kil-lersâ€. Ayon na rin sa mga pulis, walang habas na namaril ang mga suspect na ang bawat makitang tao sa kalsada ay inuupakan. Nangyari ang pamamaril dakong ala-una ng madaling araw at marami pang tao sa kalye. Kabilang sa binaril ay naghihintay ng masasakyan samantalang ang iba ay nakasakay sa motorsiklo at ang isang nabiktima ay nagkakalkal ng basura.
Unang binaril ng “mad killers†ang isang lalaking nakamotorsiklo. Ayon sa isang sekyu, nakarinig siya ng putok at nang tingnan, nakabulagta na ang lalaki. Binaril ito nang malapitan at tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Makalipas ang ilang minuto, isang babae na naghihintay ng masasakyan ang binaril at namatay noon din. Makalipas pa ang ilang minuto, isang mag-asawang magkaangkas naman sa motorsiklo ang binaril din. Bibili lamang ng gamot ang mag-asawa nang pagbabarilin. Makaraan pa ang ilang minuto, isang lalaki na nagkakalkal ng basura ang pinagbabaril din ng “mad killersâ€. Natagpuan sa tabi ng mga bangkay ang mga basyo ng bala mula sa kalibre 45 baril.
Hanggang ngayon, nangangapa pa ang Quezon City Police District sa nangyari. Hindi nila alam kung paano magsisimula. Mahirap talagang magsimula sa ganitong sitwasyon.
Noong nakaraang linggo, isang magkasintahan na nasa loob ng isang kotse at naka-park sa isang lugar sa New Manila Quezon City ang nilapitan ng tatlong pulis QC at kinasuhan ng public scandal. Pero kung magbibigay daw ng P20,000 hindi na sila aabalahin pa. Pero natiklo ang tatlong pulis QC dahil kaklase pala ng babae ang anak ng PNP spokeperson.
Sa pangongotong mahusay ang mga pulis QC pero sa oras ng pangangailangan, hindi sila maaa-sahan.
- Latest