^

PSN Opinyon

‘Brownout, dahilan daw ng nakawan sa Davao’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAPAG tumataas ang kriminalidad, sanay na ang pu­b­liko na marinig sa mga alagad ng batas ang pagdadahilan mapagtakpan lang ang kanilang kahinaan at kakulangan.

Sa halip na mga kontra-kriminalidad ang ibigay sa mga residente at magpaliwanag sa totoong dahilan ng paglobo ng estatistika, kadalasan, nauuwi pa sa turuan.

Nitong Huwebes, inanunsyo ng Davao City Police Office na tumaas ng 20 porsyento kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon ang insidente ng mga nakawan sa kanilang hurisdiksyon. Ang kanilang sinisising dahilan, rotating brownout.

Sa ulat ng DCPO, hindi malinaw kung anong oras nang­yayari ang nakawan, umaga, tanghali o gabi.

Maituturing ba itong heist o malakihan at planadong panloloob, ano ang karaniwang mga nawawala at kung ano ang puntirya ng mga kawatan, bahay o mga establishementong pang-negosyo.

Kung sakaling mga establishementong malalaki tulad ng mga mall na matataong lugar, maaaring katanggap-tanggap pa ang dahilan nilang rotating brownout. Posible kasing  habang walang kuryente, namatay ang closed-circuit television (CCTV) camera at mga alarm device.

Pero kung hindi maipaliwanag ng lohikal ang dahilan, hindi pwedeng agad isisi ang pagtaas ng nakawan sa rotating brownout.

Sakaling ipagpalagay man na ang pagtaas nga ng krimen o mga break-in o panloob ay sanhi nga ng rotating brown­out, dapat alam na agad ng mga pulis ang solusyon dito. 

Kasi kung ito ay puro katwiran lang na wala naman ta­lagang imbestigasyong pinagbatayan at para mapagtakpan lang ang kanilang kapalpakan, doble ingat, baka lalo pa itong gamitin at samantalahin ng mga kriminal.

Kaya sa mga pulis dyan sa Davao, sa halip na ibun­ton ninyo ang sisi sa anim na oras na pagkawala ng kuryente araw-araw, dapat tukuyin ninyo agad ang mga hotspot area o mga lugar na pwedeng tirahin ng mga kawatan ngayong tag-araw.

 Nililinaw ng BITAG, hindi ko sinasabing palpak kayo o mahina. Pinapaalalahanan ko lang kayo sa proseso ng pag-alam sa totoong dahilan ng problema at pag-aanalisa sa sitwasyon bago gawing dahilan ang rotating brownout sa pagtaas ng kriminalidad.

 Dapat maging proactive o maagap ang bawat presinto at mga barangay upang hindi matuloy ang masasamang balakin ng mga halang ang bituka.

 Magbigay ng all points bulletin sa mga residente nang sa ganun, anumang oras dumating ang brownout, alerto at listo ang bawat isa.

 Bago pa man magtangka ang mga kawatan na manloob at magnakaw, mayroon na agad silang tips at counter measure, nang sa ganun, wala ng mapasama pa sa estatistika ng mga nabibiktma.

 Upang hindi mabiktima ng mga masasang-loob at iba pang uring modus, mag-log on sa BITAG Safety Center sabitagtheoriginal.com.

 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.    

 

ABANGAN

DAHILAN

DAPAT

DAVAO

DAVAO CITY POLICE OFFICE

NITONG HUWEBES

SAFETY CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with