^

PSN Opinyon

Ang mabuting pastol

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

ANG tunay na pagkilala kay Hesus  ay nagbibigay sa atin ng kapayapaan. Kaya hinihikayat tayo ni Pedro na pagsisihan ang kasalanan at magpabinyag sa ngalan ni Hesus at sa liwanag ng Espiritu Santo. Ang mga pagsubok at pagtitiis ng hirap ay bahagi ng paghirang sa atin ng Diyos. Tinitipan tayo ng Pastol upang pangalagaan ang ating kaluluwa.

Sa panahong ito ng Pagkabuhay ni Hesus ay hinihikayat tayo ni Pedro na sariwain natin ang pagtitiis. Iwan natin ang pagkakasala at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pag-aalaga ng Pastol sa mga tupa, ang pinaka-mahalaga ay ang pintuan ng tirahan o kulungan. Sa pagpasok at paglabas ng mga tupa ay dito masusing binabantayan ng isang tagapag-alaga. Pinakikinggan ng mga tupa ang tinig ng Pastol. Tayo ang mga tupa at inaalagaan tayo ni Hesus na ating Pastol.

Mahalaga ang pintuan. Maging sa tahanan, opisina o mga pagawaan ang lahat ay dumadaan sa pintuan. Ang hindi dumadaan sa pintuan ay mga magnanakaw. Kaya sa opisina ng mga negosyante ay madidinig natin ang usapang “under the table” na kadalasan ay naroroon na ang nakawan at dayaan. Ang mga transaksyones na ito ay hindi nagdaraan sa pintuan. Ang iba ay inilulusot sa butas ng bintana o pinadudulas sa dingding. Kaya ito ang tinatawag na “grease money”

Naalaala ko tuloy ang ikalawang wika sa Siete Palabras noong Biyernes Santo na ipinahayag ng aking classmate sa USTCS, si Fr. Enrico Gonzales, O.P., na kaagad pinatawad at isinama sa paraiso ang nagsising magnanakaw. Nagnakaw siya dala ng kahirapan. Idinagdag pa niya na yung may pera na at nagnanakaw pa sa kaban ng bayan: ano kaya, patawarin pa kaya ng Panginoon?

Gawa 2:14a, 36-41; Salmo 22, 1Pedro 2:20b-25 at Juan 10:1-10

* * *

Happy Mother’s Day!

Happy birthday kay Fr. Frank S. Yncierto.

 

vuukle comment

BIYERNES SANTO

DIYOS

ENRICO GONZALES

ESPIRITU SANTO

FRANK S

HAPPY MOTHER

HESUS

KAYA

PASTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with