Very Important Prisoners
MUKHANG marami na naman ang mapapataas ang kilay sa ating banner story na naghahanda ng espesyal na piitan ang Philippine National Police (PNP) para kina Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Ito raw ay sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame.
Para sa marami kasi, kahit pa Presidente ka ng Pilipinas kung ikaw ay nagkasala sa batas dapat kang isama sa mga karaniwang preso. Hindi naman ubra ang ganyan. Tanggapin man natin o hindi, ang mga senador na ito ay importanteng tao, hindi dahil sa posisyon nila kundi sa kasong kinakaharap nila: Ang P10-bilyong “pork†scam. Importanteng pangalagaan ang kanilang kaligtasan dahil kung hindi, baka mawalan ng saysay ang paghahanap ng hustisya sa kasong ito. Alalahanin na tayong mga taumbayan ang inagrabyado rito.
Subalit hindi raw alam ng Malacañang ang planong ito. Kaya pinagpapaliwanag ng Palasyo ang pamunuan ng PNP para malaman kung ano nga ba ito?
Ayon kay Press Sec. Herminio Coloma Jr. sa isang media briefing, walang idea ang Palasyo hinggil sa nasabing paghahanda ng PNP sa sandaling ilabas na ng Korte ang warrant of arrest para sa tatlo.
Ayon kay PNP-PIO Chief Supt. Reuben Theodore SinÂdac, ang special detention cell ay preparasyon para may paglagyan sa tatlong solons sa sandaling ilabas ang mandamiyento de aresto ng Sandiganbayan. Basta iyan ay mukhang ordinaryong kulungan at walang aircon at iba pang bagay na magbibigay ng kaluwagan sa tatlong nasasakdal ay okay sa akin.
Kulang na raw kasi ang mga selda sa custodial center kaya kailangang gumawa sila para sa inaasahang pagpasok ng tatlong senador. Tiniyak ni Sindac na walang special treatment kundi fair treatment ang ibibigay para sa tatlong senador pagdating ng takdang oras.
Kabilang sa mga nakakulong ngayon sa PNP custodial center ay si dating PNP Chief Avelino Razon at iba pang heneral, mga pulis na sangkot sa Atimonan rub-out incident at ang mag-asawang NPA na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Ang nasabing special detention cell ay hiwalay sa ibang selda ng PNP.
- Latest