‘Kumunoy ng byurukrasya’
TINALAKAY ko sa programa ko kahapon sa BITAG Live ang binabanggit na mga hamon na nai-engkwentro ngayon ni Rehabilitation Czar Panfilo Lacson.
Anim na buwan na ang nakalilipas, hanggang ngayon, wala pa ring pinal at opisyal na master plan sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda.
Sa halip na may nakikitang progreso o update, ang nakikita ng taumbayan, byurukrasya, balakid, sisihan at turuan kaya hindi umuusad ang rehabilitasyon. ‘Yung proÂseso na dapat sundin, ‘yun mismo ang nagiging problema.
Walang kwestyun sa mga prosesong legal na kinakailangang sundin, subalit kung kalahating taon ka na sa pwesto at wala ka pang nasisimulan, may mali sa sistema.
Ngayon, umaatungal si Lacson, parang batang nagsusumbong at nagpapakampi sa taumbayan. Mayroon daw dalawang cabinet member na dating tatlo na ayaw makipagtulungan sa kaniya.
Nung iniupo si Lacson, anim na buwan ang nakakaÂraan, halos lahat nagpapalakpakan dahil alam nilang siya ay may paninindigan at walang sinisino. Alam ng taumbayan na mayroong patutunguhan ang rehabilitasyon.
Makalipas ang kalahating taon, biglang nawala ang “Lacson†na tagabulgar at malakas ang loob.
Kaya nagtalaga ng czar ang pangulo, para mapabilis ang proyekto. Ibig sabihin, bago pa man isagawa ang rehabilitasyon umikot na siya sa lahat ng mga kakatuÂlunging ahensya, may maayos nang plano at alam na kung ano-ano ang mga nakikitang balakid.
Kung saan ang problema, hahanapan agad ng solusÂyon. Hindi yung malulunod sa kumunoy ng byurukrasya o mga “TL†tulo-laway na amuyong din ng presidente.
Anumang proyekto na isinasagawa ng pamahalaan, kinakailangan ng time table o takdang panahon. Kapag wala nito, maituturing itong isang panaginip lamang.
Nakatingin ang mga dayuhang bansa sa Pilipinas na nagbigay ng ayuda noong hinagupit ng kalamidad ang Visayas.
Inaasahan ng taumbayan at international community na mayroong update kada-linggo, buwan, tuwing tatlong buwan, kalahating taon hanggang sa matapos ang proyekto na mayroong pinatunguhan ang kanilang mga perang donasyon.
Hindi nananaltik ang BITAG dito. Ito ay base lamang sa paktuwal at reyaÂlidad na nakikita sa mga kaganapan sa gobyerno.
Palaisipan tuloy ngayon sa taumbayan na ang sinapit ni Rehabilitation Czar Ping Lacson makalipas ang anim na buwan ay posibleng sapitin din ni Kiko Pangilinan na inilagay ni Pangulong Noy Aquino bilang Presidential Adviser on Food Security and Agriculture Modernization.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest