Saklolo SC!- Jinggoy
NOON pang Marso 20 ng taon humiling si Sen. Jinggoy Estrada ng kopya ng mga sworn statement ng mga nagÂaakusa at nagdidiin sa kanya sa pork barrel scam. “No way†say ng Ombudsman.
Gusto lang naman ni Jinggoy na palakasin ang depensa niya at gumulong ang tunay na due process. Alam na natin na kasama niyang idinidiin sa scam sina Sen. Juan Ponce Enrile at Ramon “Bong†Revilla, Jr.
Kaya nagpapasaklolo na ngayon ang Senador sa Korte Suprema. Tingnan natin kung magiging paborable sa kanya ang tugon ng Mataas na Hukuman.
Hinihiling ni Jinggoy ang judicial review ng kaso.
Ayaw kong mag-isip ng masama pero base sa mga pangyayari tulad ng pagtanggi ng DOJ na ilabas ang listahan mula kay Janet Napoles na posibleng nagdadawit sa mga kaalyado ng administrasyon sa pork scam, baka lang isipin ng taumbayan na ang gobyernong ito’y may kinikilingan at may pinagtatakpan.
Kung susuriin kasi, tila balido ang hinaing ng tatlong senador na ipinagdidiinan sa scam.
Kapag sila ang tutukuyin, parang nahatulan na sila nang guilty verdict. Pero kapag taong administrasyon, may “teka-teka†attitude ang administrasyon.
Sabi nga ng isa kong kaibigan, noong una ay tuwang-tuwa siya porke tatlong dambuhalang isda ang nalambat ng pamahalaan sa kampanya laban sa corruption. Pero habang tumatagal at may mga indikasyong sabit din ang ilang kaalyado ni PNoy, nagkakaroon siya ng pagdududa na ito’y may bahid ng politika.
Sinabi naman mismo ng Pangulo na wala siyang sasantuhin at kahit kaalyado pa niya basta’t nagkasala ay pihong mananagot. Hay...harinawa. Pero sana, ngayon pa lang ay patunayan na. Ilantad ang listahan ni Napoles.
- Latest