^

PSN Opinyon

Mayo Uno, may biyaya?

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Dapat ay masaya ngayong Mayo Uno

Mga manggagawang banal sa trabaho;

Pero balewala sa ating gobyerno

Sa maraming sector ay walang umento!

 

Ang sundalo’t pulis, marines at abyador

Mga nasa media, writers at editors

Hinihintay nila’y dagdag na pasahod

Waring bigo sila sa anumang bonus!

 

Pero papaanong lalaki ang sweldo

Inubos ng Congress pera ng gobyerno;

Pati si Napoles kahalo sa gulo

Kaya ang kawawa ay mga obrero!

 

Sa araw at gabi’y tuloy sa gawain

Mga manggagawa’y hindi tumitigil;

Mababa’t mataas kanilang tungkulin

Maglingkod ng tapat upang may makain!

 

Mga pulitiko na nasa Batasan

Kahit nililitis ang pera’y dagsaan;

Kung saan napunta salapi ng bayan

Walang umaamin dahil tampalasan!

 

Ang mga mapera’y hindi nagbibigay

Sa mga obrerong kayod araw-araw;

Mga pulitiko’y walang pakialam

Ang tanging layunin ay muling mahalal!

 

Kaya ang umento na hintay nang lahat

Ay hindi darating ang bansa ay salat;

Ngayong Mayo Uno ang obrero’y dilat

Pagka’t ang biyaya malayo sa palad!

vuukle comment

BATASAN

KAYA

LEFT

MAYO UNO

NGAYONG MAYO UNO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with