^

PSN Opinyon

Galit ni misis

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

HINIWALAYAN si Amanda ng asawang si Nick dahil nakisama na ito sa kabit na si Yolly. Sa tagal ng panahon, natuto na rin si Amanda na tanggapin ang kanyang kapalaran. Iyon nga lang, dumating ang oras na kaila-ngan talaga ni Amanda ng pera at wala na siyang ibang magagawa kundi lumapit sa dating asawa.

Pagpunta niya sa bahay nina Nick at Yolly ay sumulak muli ang galit sa kanyang dibdib.  Nanggigigil siya habang iniisip na nagpapakasarap sa suweldo ng kanyang mister ang kabit nito samantalang siya na legal na asawa ay parang pulubi na namamalimos.

Nang makarating sa bahay nina Nick at Yolly ay na-ging sukdulan na ang galit ni Amanda. Nag-umpisa siyang magsisigaw sa labasan sabay pukol ng bato sa bahay ng magkalaguyo para utusan si Yolly na palabasin si Nick.

Nagalit sa ingay at iskandalo si Yolly kaya lumabas at hinarap si Amanda. Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa hanggang sa napilitan si Yolly na pumasok sa loob ng bahay at sabihan si Nick na nag-iiskandalo ang misis nito sa labas.

Bumaba ng hagdan si Nick at pinatigil si Amanda sa ginagawa nito. Pinapasok niya sa loob si Amanda para tumigil na ito at dahil nagtitinginan na sa labas ang mga kapitbahay. Sumunod si Amanda. Nang nasa loob na si Amanda, si Yolly naman ang nagsisigaw at nang-aasar. Lalong kumulo ang dugo ni Amanda at sinampal si Yolly sabay dampot ng kutsilyo at sinaksak sa sikmura si Yolly na ikinamatay nito.

Kinasuhan ng murder at nilitis si Amanda. Ayon sa korte, pinagplanuhan ni Amanda ang pagpatay kaya ang sentensiya niya ay habambuhay na pagkabilanggo.

Sa kanyang apela sa Supreme Court, ipinagpilitan ni Amanda na hindi murder kundi homicide lamang ang krimen na ginawa. Hindi naman daw niya talagang plano ang pagpatay kay Yolly. Tama ba si Amanda?

TAMA. Ayon sa Supreme Court, wala ang tinatawag na “evident premeditation” o planong pagpatay sa biktima. Upang magkaroon ng evident premeditation na magtataas ng krimen mula homicide hanggang maging murder, kaila-ngan na may sapat na oras na pagitan upang magkaroon ng sapat na pagkakataon ang akusado na pag-isipan at pagplanuhan  o kaya ay huwag ituloy ang plano niyang pagpatay sa biktima. Lumalabas na basta na lang nangyari ang lahat. Hindi masasabi na nagkaroon si Amanda ng sapat na oras. Bago pa nangyari ang pananaksak ay nagpalitan na kasi si Amanda at Yolly ng maaanghang na salita at nasampal pa nga ang biktima. Masasabing nangyari lang ang pananaksak sa tindi ng away ng dalawa.

Dahil napatunayan na nagkasala si Amanda ng homicide, ang tamang hatol sa kanya ay hindi habambuhay na pagkabilanggo kundi pagkakakulong na mula 10 taon at isang araw hanggang 14 na taon, 8 buwan at 1 araw. (People vs. Cordero, G.R. 97229, Jan. 5, 1993)

 

 

vuukle comment

AMANDA

AYON

BUMABA

CORDERO

DAHIL

IYON

JAN

NANG

SUPREME COURT

YOLLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with