Kaya na ba nating mag-isa?
HINDI kayang harapin ng Pilipinas ang ano mang panlabas na banta sa ating seguridad dahil lelembotlembot ang ating militar. Iyan ang isang nagdudumilat na katotohanan.
Hangga ngayon ay nagtitiyaga ang ating militar sa mga pinaglumaang sandata at iba pang military hardwares. Ano na ba ang nangyari sa AFP modernization program?
Nagkaroon tayo ng bases conversion at ibinenta sa pribado ang ilang base militar para daw makalikom ng pondong pambili ng mga modernong kagamitan. Panahon pa ni Presidente Cory nang umpisahan iyan ah. Hangga ngayon bulok pa rin ang mga kagamitan ng ating hukbo. Nasaan na ang kinita sa bases conversion?
Sabi mismo ni Presidente Noynoy, kayang-kaya tayong “pitikin†ng China.
Kung ako ang masusunod, hindi ako hihingi ng dayuhang tulong sa harap ng panduduro ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea. Pero no choice. Para kasing isinusuko mo na sa iba ang iyong soberenya.
Maraming pumapalag lalu na sa panig ng mga militante laban sa pinirmahang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at ng USA sa pagdalaw dito kamakailan ni US President Obama.
Itinanggi naman ng Malacañang na tayo ang humiling sa Amerika para mabuo ang kasunduan. Paliwanag ng Palasyo, nabuo ang EDCA dahil sa nagkakaisang unaÂwaan ng Pilipinas at US sa ginanap na 2-plus-2 meeting sa Washington DC noong 2012.
Ito’y sa gitna ng pagkondena ng mga kritiko ng admiÂnistrasyon sa kasunduan na anila’y tila nagmakaawa tayo upang mabuo ang isang kasunduan dahil sa pambu-bully ng China.
Pero kung hindi natin kaÂyang tulungan ang ating sarili sa harap ng ginagawang panaÂnakot ng China sa sarili nating teritoryo, bakit tututulan natin ang saklolo ng ibang bansa gaya ng Amerika? Kapit na tayo sa patalim.
Kaso, ang mga nagpoprotesta ay halos mga left-leaning o may kulay komunismo. Kapansin-pansin na laging Amerika ang binabanatan samantalang sa mga napapabalitang panaÂnakot ng komunistang China ay tameme lang sila. Sino ang kaalyado ng mga ito?
- Latest