‘Pananamantala sa gitna ng krisis’ (Part II)
NANGANGAMBA ang mga magsasaka sa malaking epekto ng pesteng “Cocolisap†na lumalaganap sa CALABARZON.
Wala pa ring nakikitang solusyon at teknolohiya ang mga kinauukulan at sayantipiko sa impestasyon na ito partikular ang Philippine Coconut Authority (PCA).
Subalit, hindi ang milyones na puno ng niyog na apektado ng Coconut Scale Insect ang mas pino-problema ngayon ng mga magsasaka. Mas pinangangambahan nila ang kasakiman at kawalang-pakialam ng mga gahamang land owner sa pagsugpo sa nasabing peste.
Ang gustong mangyari ng mga land owner, putulin nalang ang mga apektadong puno ng niyog sa halip na sumubok ng mga posibleng solusyon. Ayaw nilang maabala, gumastos at mamuhunan.
Pabor sila sa pagkalat at pagdami ng Cocolisap sa mga niyugan dahil alam nila na kapag naputol at naubos na ang mga puno, may dahilan na sila para palayasin ang mga pobreng tenant at ibenta nalang ang kanilang ekta-ektaryang lupain.
Idineklara nang outbreak ang pamemeste ng CSI sa Batangas at pinangangambahang susunod na rin ang Laguna, Quezon at mga karatig-lalawigan kung hindi ito maaagapan. Hinaing ng mga magsasaka, kung patuloy na makikipagmatigasan sa kanila ang mga may-ari ng lupa, maraming pamilya ang magugutom, mangangalam ang sikmura at mawawalan ng ikinabubuhay.
Sa isinagawang graduation ng mga magsasaka noong Biyernes, nakisawsaw at nagpabida din ang ilang mga dumalong alkalde mula sa lalawigan ng Quezon.
Magpapasa daw sila ng mga ordinansa para iobliga ang mga land owner na makipagtulungan sa pagpuksa sa pesteng “Cocolisap.â€
Abangan sa BITAG Live ang patuloy na pagtutok sa pesteng ito na napapakinggan at napapanood sa Radyo5 92.3 News FM, AKSYONTV-41 at live streaming sa bitagtheoriginal.com alas-10:00-11:00 ng umaga.
- Latest