‘Ligaw na bala sa Italya’
SA ISANG LUGAR na halos lahat magkakamag-anak, isa lang ang makanti mo… puputaktihin ka na ng mga ito.
“Wala naman silang away ng bunso namin sila ng kapatid kong si ‘Ceto’ ang naka-babagan…†pahayag ni ‘Merto’.
Mula ng magkaalitan ang magpinsang Anaceto “Ceto†Matalog , 40 anyos at pinsan nitong si Jhun Manguerra, 30 anyos nag-iwasan na ang dalawa. Nang malaman ito ng bunsong si Porfirio o “Porâ€, 19 anyos noon sumama rin ang loob niya kay Jhun. Kapag nagkakasalubong ang dalawa ang dating tanguan nauwi sa matatalim na tinginan.
Ayon kay Mamerto Matalog o “Mertoâ€, 43 taong gulang kapatid nila Ceto at Por, ang masasamang titig na ito raw ang dahilan kung bakit nang magpang-abot ang magpinsang Por at Jhun, isang malakas na putok na ang bumasag sa katahimikan ng paligid.
Tubong Calaca, Batangas ang pamilya Matalog at Manguerra. Magkapinsang buo ang ama nila Merto na si “Juan†at ama ni Jhun na si Felipe o “Dodo†Manguerra. Kwento ni Merto, maganda ang samahan nilang magpapamilya hanggang isang araw nag-away si Ceto at si Jhun.
Sagabal daw sa daan ang nakaparadang motor ni Merto na noo’y hiniram ni Ceto. Nung minsan, palabas ang ‘elf’ nila Jhun…nakaparada naman sa kanilang kalye ang motor. Galit na galit daw nitong pinaaalis ang motor ni Merto.
“Itatakbo niya raw kasi sa ospital ang anak niya noon. Naintindihan naman ng kapatid kong si Ceto pero ang pangit kasi ng pagkasabi ni Jhun kaya nagkasagutan sila,†kwento ni Merto.
Simula nun hindi na raw nagkibuan ang dalawa at nag-iwasan na.
Kampi-kampihan umano ang nangyari at ang insidenteng ito ang naÂging dahilan ng pagpangit ng relasyon ng pamilya Matalog at Manguerra.
Aminado si Merto na pati ang bunso nilang si Por ay sumama rin ang loob kay Jhun.
“Tuwing magkikita sila masama na tingin nila sa isa’t-isa,†ani Merto.
Ika-18 ng Setyembre 2008, bandang 5:30 ng hapon habang naglalakad papuntang tinadahan si Por kasama ang pamangking si Marlon Matalog at barkada ni Porna si Mark James Cortinas, nang madaanan nila ang bahay ng ama ni Jhun na si Dodo (isang bahay ni Merto lang pagitan mula sa bahay ng Matalog) matapos magkatinginan sina Jhun at Por lumabas na lang daw itong si Jhun… tinutukan ng baril si Por sabay kalabit nito.
Isang malakas na putok ng baril na ang narinig sa paligid. Narinig ito ng kapatid nila Por na si “Niloâ€. Mabilis siyang lumabas dito niya naabutan si Por na nakabulagta na sa tapat ng bahay nila Dodo… duguan at naghihingalo.
Isang tama sa kaliwang dibdib ang tinamo ni Por. Patay siya agad.
Nagsampa ng kasong “Murder†ang pamilya matalog laban kay Jhun.
Base sa binigay na salaysay na binigay ng isa sa tumayong testigo na si Mark James, nung nasabing petsa at oras magkakasama sila ni Por at Marlon sa bahay ng mga Matalog, lumabas silang tatlo para bumili sa tindahan. Nakita na lang nila si Jhun na may hawak na .45 caliber na baril at bigla na lang binaril itong si Por. Bumagsak ito sa lupa. Sinubukan nilang lumapit kay Por subalit tinutukan umano sila ng baril ni Jhun kaya’t nanakbo sila sa bahay ng kapatid ni Por.
Nadatnan nila si Nilo at Merto. Mabilis na sumaklolo ang dalawa habang nanatili naman si Mark James sa loob ng bahay.
Base naman sa naging pahayag ni Nilo sa prosecution at ibinigay na salaysay, nasa bahay siya, 100 metro ang layo ng barilin ang kapatid. Lumabas siya ng bahay nun at nakita na lang niya ang mag-amang Manguerra. Habang nakahiga na sa lupa ang kapatid na si Jhun. Niyakap niya ang kapatid na noo’y humihinga pa habang nakatutok naman ang baril ni Jhun sa kanya.
Palapit din si Merto nun sa kapatid ng bantaan umano siyang papatayin ng mag-ama kaya’t nagtago si Merto malapit sa puno. Mabilis na umalis ang mag-ama sa pinangyarihan ng krimen habang sinugod nila sa ospital si Por subalit namatay din ito papunta pa lang sila sa pagamutan.
Agad na nakarating ang insidenteng ito sa PNP, Calaca, Batangas. Rumesponde sina PO1 Mercado at Police Officer Baldrias at ilan pang mga pulis. Itinuro ni Merto at Nilo ang mag-amang Felipe “Dodo†at Jhun Manguerra na siyang bumaril.
Pumunta ang mga pulis sa bahay ni Jhun at nakita nila dun ang ama nitong si Dodo at inimbitahan nila sa presinto. Wala sa bahay si Jhun.
Nagkaroon ng ‘follow up operation’ at natagpuan si Jhun na nakasakay sa isang ‘owner type jeep’ sa Balayan, Batangas. Arestado si Jhun, nakita sa loob jeep ang baril na may bala na kanilang minarkahan bilang ebidensya.
Nagkaroon ng pagdinig ng kasong sinampa nila Merto. Bago pa iupo ang pangalawa nilang testigo sa prosecution nag ‘jump bail’ itong akusado.
Nag-file ang abogado ni Jhun ng Withdrawal of Appearance as Counsel for the Accused’ at nagbigay ng impormasyo na itong si Jhun ay umalis na ng bansa papunta Italy sakay ng eroplanong Cathay Pacific.
Ika-6 ng Pebrero 2014, nagbaba ng Desisyon si Presiding Judge Rolando Silang RTC, Branch 11, Balayan, Batangas nakalagay na: The prosecution in this case was able to prove the guilt of the accused beyond reasonable doubt.
Ang pagalis din ni Jhun ay malinaw na ‘indication of guilt’. Positibo ring itinuro ng testigo dahilan para mahatulan si Jhun Abanico Manguerra ng GUILTY beyond reasonable doubt ng krimeng HOMICIDE.
Maliban dito may sibil na pananagutan din siya sa pamilya ni Jhun. Kailangan niyang bayaran ang halagang P158,000 actual damages, P50,000 civil indemnity at P50,000 moral damages.
Hanggang ngayon hindi pa bumabalik ng bansa si Jhun at nagtatago pa rin daw sa Italy. Ito ang dahilan ng pagpunta sa amin ni Merto. Kahilingan din niyang maisulat ang sinapit ng kapatid.
Itinampok namin si Merto sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kailangang hilingin ni Merto sa Judge na ipag-utos sa Department of Foregin Affairs ang pagkansela ng pasaporte ni Jhun.
Kapag nagawa na nila ito,tutulungan namin siya na isumite ang nasabing dokumento kay Asec. Wilfredo Santos, head ng Department of Foreign Affairs (DFA), Consular Affairs.
Kapag nakasansela ang kayang passport, magiging ‘undocumented alien’ itong si Jhun sa Italy at mapapauwi siya ng Pilipinas. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest