^

PSN Opinyon

3 tanong para kay bumibisitang Obama

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KATIWASAYAN (security) ng magkaibigan. ‘Yan ang pa-ngunahing pag-uusapan nina Presidents Noynoy Aquino at Barack Obama sa pagbisita ng huli sa Maynila ngayong Lunes-Martes. Pagkakataon ito para mailinaw ng dalawang pinuno kung ano ang pananaw ng isa’t isa sa mga isyu tungkol sa seguridad. Kaya napaka-halaga hindi lang na maipaabot ni P-Noy ang kanyang sinasaisip, kundi mahuli rin kung ano mismo ang binabalak ni Obama.

Sa aking palagay, tatlong bagay ang dapat itanong kay Obama, sa maingat na paggamit ng mga salita:

• Una, sumasang-ayon ka ba, President Obama, na may karapatan ang Pilipinas sa 200-mile exclusive economic zone sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea, kaya dapat labanan ng America, bilang responsableng bansa at kaibigan, ang pagsakop ng mga barkong China at pagbugaw ng mga Pilipino mula sa Scarborough (Panatag, Panacot, Bajo de Masinloc) Shoal, Mischief (Panganiban) Reef, at Ayungin (James) Shoal, na lahat ay mahigit 700 miles mula China?

• Ikalawa, ano sa tingin mo, Mr. Obama, ang aksiyon na pipilit sa Beijing na kilalanin ang freedom of navigation sa South China Sea -- lalo na’t, matapos siyang sabihan ng mundo na kilalanin ito, ay nagpilit ng Air Defense Identification Zone sa East China Sea at magpapatupad ng bukod pang ADIZ sa South China Sea?

• Ikatlo, G. President, lalaban ba ang America, sa ilalim ng Philippines-United States of America Mutual Defense Agreement, kapag totohanin ng Beijing ang banta na marahas at walang-probakasyong hilahin ang BRP Sierra Madre, isang commissioned vessel ng Philippine Navy, Mula sa Ayungin (James) Shoal?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

AIR DEFENSE IDENTIFICATION ZONE

AYUNGIN

BARACK OBAMA

BEIJING

EAST CHINA SEA

LAW OF THE SEA

MR. OBAMA

OBAMA

PHILIPPINE NAVY

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with